AKTRES HINARANGAN LANG ANG PAGLIPAT PERO BINAGOONG NAMAN

SOMETIME this year, napabalitang lilipat na raw sa kabilang network ang sizzling bitsmagandang talent ng isang sikat na network.

For some reasons, too, predictably for us not to know, (Hahahahaha!) she was offered a new soap that is why the actress was not able to pur-sue her plans of migrating to the rival network.

Nu’ng makapirma na siya, pinalabas naman ng network ang aktres ng mga dalawang linggo sa kanilang programa.

‘Yun nga lang, hanggang dalawang linggo lang ang appearance ng aktres at hindi na nasundan pa maliban sa isang short appearance lately. Hahahahaha! Que pobrecita! Hahahaha!

Mukhang pinapasok lang ang aktres at binagoong pagkatapos.

Okray!

Kumbaga, hinara­ngan lang ang planong paglipat pero ibabagoong lang naman pala.

Bad ‘yan a!

Kung hindi n’yo na gusto siya, bakit haharangan?

Why not let her transfer to the network who wants to avail of her services? Tutal naman, parang hindi n’yo na siya kailangan.

Unfair ‘yan a! ‘Yun lang!

AICELLE SANTOS IKINASAL NA  KAY MARK ZAMBRANO

FINALLY, after the long wait, ikinasal na sina Mark Zambrano at Aicelle Santos sa AICELLE SANTOS and MARK ZAMBRANOEl Jardin De Zaida, Sitio Lagkit, Brgy. Abung, San Juan, Batangas nitong Nobyembre 16, Sabado ng hapon.

Matatandaang nagkalayo ang dalawa nang mag-Miss Saigon si Aicelle. Naghintay si Mark at hindi nabago ng kanilang pagkakalayo ang init nang kanilang pagmamahalan.

Maraming pagsubok na ang kanilang pinagdaanan at nalagpasan nila ‘yun with flying colors. Ang saya nga ng bridal shower episode para kay Aicelle sa Studio 7 noong nakaraang November 9, Sabado.

Predictably so, medyo naughty ang mga katanungan ni Paolo Contis sa kanilang Count To Ten portion ng Studio 7.

Buong ningning naman itong sinagot ni Aicelle at walang pangi­ngimi niyang sinabing kay sarap-sarap daw ni Mark.

Marami ang naghahangad ng kaligayahan nilang mag-asawa at marami ang nag-aabang sa magiging bunga ng kanilang pagmamahalan.

And speaking of Studio 7, medyo na-miss ng kanilang mga tagasubaybay ang presence ni Golden Cañedo

Bakit kaya hindi na siya regular na lumalabas dito?

Buti na lang at palaging present ang debonaire na si Mark Bautista, ang belter na si Aicelle Santos, multi- talented Donita Nose, bubbly Mike Quintos and The Clash people.

Anyway, in the absence of the regular cast, regular namang napanonood ang Starstruck winners na sina Allen, Lexi, Kim at Shayne.

So don’t fail to watch Studio 7 every Saturday at 10:00 in the evening.

MAGANDA ANG POV NI VINA MORALES

HINDI naman nakisawsaw pero nagbigay lang si Vina Morales ng kanyang opinyon.Vina Morales

Sabi ni Vina Morales, three months pregnant daw siya noon at may episode ng spotting pero hindi niya binitin ang kanyang concert sa isang venue.

Kapag nararamdaman raw niyang parang nag-e-spotting siya, nag-e-excuse muna siya at tinitingnan sa backstage kung mayroon nga.

Nanaig raw ang kanyang professionalism kaya ang dictum na the show must go on ay kanyang sinunod.

Hindi man niya sinabi nang diretso, ibig niyang tukuying dapat ay maging professional ang isang artista no matter what he or she is  feeling.

Hayan nga at buntis siya ng three monts, and with spotting episode to boot, but that didn’t stop her from doing a show.

E si Morissette, ano ba naman ang kanyang nararamdaman? Tinanong lang daw kung kumusta naman sila ng kanyang erpats, ginawa ng excuse ito ng aning-aning na yatang singer para hindi ituloy ang kanyang guesting.

Ano ba ‘yun? Hahahahaha!

Kung hindi magbabago ang oozing with delusion na songbird, I have this feeling that she would not be able to reach the pinnacle of success. Baka in one year’s time ay maging certified has been na siya.

‘Yun lang!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.