LAGUNA – NAUDLOT ang pagkakakulong ng isang lalaki na kinasuhan ng serious illegal detention at kidnap-for-ransom nang pagbabarilin ito habang binabiyahe mula Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Calamba City patungong Los Baños.
Kinilala ang inmate na si Joshi Tarun na may kasong serious illegal detention at kidnap-for-ransom.
Isang itim na sports utility vehicle ang humarang sa sasakyan ng BJMP at saka pinagbabaril si Tarun.
Naganap ang insidente alas-9:00 ng umaga kahapon sa Bucal-Milagrosa bypass road.
Ayon kay Laguna Police chief Col. Eleazar Matta, may takip ang mukha ng mga lalaking nasa likod ng pananambang.
Tinalian muna ng mga lalaki si Tarun at ang apat na security escorts nito at saka binaril.
Naglagay na ng checkpoints sa lalawigan para sa ikaaaresto ng mga suspek. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.