MAY good news at bad news sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo dahil sa magkaibang galaw sa diesel, gas at kerosene.
Tuloy pa rin ang serye ng rollback sa diesel pero maliit na lang ito na maglalaro sa P0.10 hanggang P0.15 kada litro.
Pati ang kerosene, may bawas-presyo pa rin na aabot ng P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Ang tinatayang rollback: Diesel → P0.10-P0.15 kada litro; Kerosene → P0.40-P0.50 kada litro.
Pero sa gasolina, putol na ang serye ng rollback dahil maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang magiging dagdag-presyo.
Tinatayang oil price hike: Gasolina → P0.40-P0.50 kada litro.
Ilang araw ding tumaas ang presyo ng imported na langis sa world market habang hinintay ang desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksiyon.
Noong Biyernes, tuluyan nang nagpasya ang OPEC at kaalyadong bansa na bawasan ng 1.2 million barrels kada araw ang produksiyon ng langis.
Ayon sa mga analyst, posibleng sumipa ang presyo ng langis sa susunod na linggo bilang reaksiyon sa bawas-produksiyon.
Dahil imported ang petrolyo sa Filipinas, sapul ito sa anumang pagtaas sa presyo ng langis sa world market.
Nauna rito, nagpahayag na ang Department of Energy (DOE) na may malakas na pagbabadya sa pagtaas ng gasolina simula Martes ng susunod na linggo, habang matatag ang US oil prices dahil sa pagbaba ng US crude oil inventories.
Magkakahalo ang presyo ng petrolyo na nagbahagi ang isang source sa oil industry sa pagsunod ng lingguhang paggalaw: mataas na pagtaas ng gasolina; kaunting pagbaba o pagtaas ng diesel; posibleng rollback sa kerosene.
Napansin ng DOE ang mga sumusunod na dahilan sa nakaimpluwensiya sa presyo ng petrolyo: matatag na US oil prices habang bumaba naman ang crude oil inventories; mahinang sentimiyento habang nag-postpone ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ng pinal na desisyon sa output cuts, habang naghihintay ng suporta mula sa non-OPEC heavyweight Russia; tinamaan ng 30-percent plunge ang oil producers sa presyo ng krudo mula Oktubre sa supply surges habang humina ang demand outlook sa gitna ng global economic slowdown; ang output mula sa pinakamalalaking oil producers—OPEC, Russia, at ang United States—na nagtaas ng 3.3 million barrels bawat araw mula ng pagtatapos ng 2017 hanggang 56.38 million barrels bawat araw o halos 60 percent ng global consumption.
Comments are closed.