NASAWI ang hinihinalang akyat-bahay sa Marikina City sa pakikipagsagupa sa pulisya kahapon.
Nirespondehan ng mga awtoridad ang tawag ng concerned citizen nang mapansin ang kahina-hinalang lalaki na umaaligid sa isang bahay sa Barangay Malanday.
Nang puntahan ng mga pulis at lapitan ang lalaki ay tumakas ito at tumalon sa estero, ngunit nang umahon ay nakipagbarilan sa mga pulis.
Kinilala ang napatay na si Jambe Dasmariñas na bukod sa kasong pagnanakaw ay hinihinalang gumagamit pa ng droga.
Nakuha rito ang ang isang baril at bag na naglalaman ng mga ninakaw umanong gamit.
Comments are closed.