Alaala ng lumipas sa Intramuros

SA sandalling yumapak ka sa lupang sakop ng Intramuros, ang lugar na tinaguriang walled city, wala ka na sa iyong panahon. Babalik ka sa panahon I Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio, noong nasasakupan pa ng mga Kastila ang Pilipinas.

Intramuros ang pinakamatandang lugar sa Metro Manila. I should know, dahil dito ako tumira at ag-aral ng apat na taon, sa Lyceum of the Philippines, na nasa gitna ng Colegio de San Juan de Letran at Mapua Institute of Technology – noong panahong hindi pa university ang Lyceum. Tumira ako sa Walled City Dormitory bago ako lumipat sa Lyceum of the Philippines Dormitory sa mismong loob ng iskwelahan.

Unang tuntong ko pa lamang sa lugar na ito ay na-in love na ako sa kanyang charm. Isipin mo na lang na itinayo ito noon pang 1571 at nanatili sa kanyang kasikatan hanggang 1898 – at hangga ngayon, sikat pa rin lalo na sa kasaysayan.

Literally, ang ibig sabihin ng Intramuros ay “sa loob ng bakod” na literal talaga dahil napapalibutan ng makapal na bakod ang buong lugar. Sa loob ng 400 taon, ito ang sentro ng edukasyon, politika at kasaysayan ng pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas. Kumbaga, ito ang pinaghalong Forbes Park at Quezon City sa ngayon. Dito nakatayo ang malalaking mansion ng mga Spanish government officials kasama ang kanilang pamilya, at naririto rin ang magagandang iskwelahan liban na lamang sa Universidad de Santo Tomas.

Hindi pinapayagan ang mga Indio at Tsino na tumira sa Intramuros, at ang makapal na bakod na anim na metro ang taas, tatlong metro ang lapad at tatlong kilometro ang haba, na sumasakop sa lawak na 160 ektarya, ay nagsisilbing proteksyon sa foreign invasions. Pito ang labasan at pasukan sa Intramuros, at kumpleto na rin ito sa simbahan, ospital, government offices, military barracks, iskwelahan at mga mansion ng mga Spanish elite. Katunayan, ang LPU na dati kong iskwelahan ay San Juan de Dios Hospital na inilipat sa Pasay City nang mabagsakan ng bomba noong panahon ng hapon.

Natapos ang construction ng Walled City of Intramuros noong 1662 bilang bahagi ng seafront defense. Gawa ito sa adobe, lupa at malambot na bato. I heard, puti ng itlog ang ginamit nilang pandikit sa mga adobe dahil hindi pa uso noon ang semento. Sa pagdaan ng panahon, tumigas ang lupa at malambot na bato kaya lalo pa itong tumibay. NLV