Puno ng buhay ang Naga City, Camarines Sur. Siguro, dahil hindi naman ito napakalayo sa Metro Manila. Ngunit naroroon pa rin ang simoy ng mabangong hangin, ang hospitality ng mga tagaroon, at ang masayang ngiti sa mga labi. Masasabing isa itong perfect microcosm, na welcome na welcome ang kahit sinong turista. Dagdag pa rito, isang kembot na lang, Legaspi na — makikita mo na ang Mayon Volcano.
Taga-Bicol si Gleann Torregosa Gonzalo, ngunit matagal na siyang naninirahan sa Santa Rosa Laguna kasama ang boyfriend na si Peter Carcillar. At matagal na rin siyang hindi nakakauwi sa Bicol, kaya nang magkaroon sila ng pagkakataon ay dumalaw siya sa kanyang mga magulang para tingnan ang kanilang kalagayan matapos manalasa ang bagyong Kristine.
Luckily, okay naman sila, at ang nasabing dalaw ay naging pasyal na rin at “meet the parents” na rin, the Naga City way. At ang ilang araw na bakasyong ito at talaga raw may dalang alaalang mananatili sa puso.
Ang Naga City ay nasa probinsya ng Camarines Sur sa Southern tip ng Luzon, gitnang gitna ng Bicol Peninsula. May layo itong halos 400 km sa
Manila, at may land area na 8,448 square hectares. Napapalibutan ito ng makasaysayang Naga River.
Sinasabing ang Naga ay siyudad ng pananampalataya, pag-unlad, pagkatuto at kultura. Tinatawag din itong Puso ng Bicol (Heart of Bicol), dahil na rin siguro sa pagiging Pilgrim City nito at pagiging tahanan ng pinakamalaking Marian celebration sa buong Southeast Asia — ang Peñafrancia.
May sinusunod na hindi karaniwang tradisyon ang mga Nagas (mga taga-Naga) pagdating sa pagpapakasal at pag-aasawa. Bawal magkaroon ng relasyon ang isang babae at lalaking mula sa iisang komunidad. Itinuturing itong follow some atypical traditions social evil, dahil ang buong komunidad ay magkakamag-anak sa dugo.
Sakaling may lumabag, dadaanin ng mga Angami tribal members ang pagsubok sa pamamagitan ng paggilit sa ulo ng manok. Depende sa posture ng manok habang namamatay ang magiging desisyon sa relasyon ng magkasintahan. Kung ang leeg ay nabahiran ng lupa, hindi pwede. Kung nanatiling dugo lamang ang bahid nito, malamang na payagan, ngunit pagdedesisyunan pa ito ng mga nakatatanda.
Sa araw ng kasal — sakaling makumbinsi ang mga nakatatanda — bibigyan ang bride ng “Chaksheshang Shawl” bilang pantaboy ng malas.
Ang alampay na ito ay handmade at handwoven.
Buti na lang, magkaiba ng komonidad sina Gleann at Peter, kung hindi, kawawa naman ang manok!