FROM day one ng mga sisiw after hatching, palaging malalakas at masisigla sila kasi ay may tinatawag na matern immunity kung saan nagbibigay ng panlaban sa sakit na ang tawag ay antibody galing sa inahin at iyon ang dahilan kaya bago pakastahan ang inahin sila ay ating binabakunahan para maipasa sa magiging anak.
“Ito ay tumatagal lamang ng hanggang 30 days kaya dapat mabakunahan mo na sya within that period (b1b1, gumboro, b1 lasota, fowl pox),” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp
“Observe ninyo from day 31 diyan na sila magsisimulang tamaan ng iba’t ibang sakit kung hindi nakaayos ang medication at vaccination program. Doon lamang po tayo sa usapan na malinis na pinaglalagyan at mga healthy na sisiw,” dagdag pa ni Doc Marvin.
At para maiwasan ang sakit ay kaunti lang ang alagaan ‘yung kaya lang nating bantayan, manageable, ika nga.
“Ang pinakamagaling na gamot sa anumang sakit ay wala pa ring tatalo sa sila ay pagpapatayin/euthanasia,” ani Doc Marvin.
“Kapag alaga at kasama ang inahin sa kanilang paglaki ay para sa akin ay malalakas ang sisiw. Kahit pa ano ang sabihin, iba pa rin ang alaga ng tunay na inahin kasi nga the best way is the natural way!” dagdag pa niya.
Kung proven ang inahin para hindi malaspag at quality uli ang magiging anak next breeding season ay unang 10-15 itlog lang ang kukunin mo sa kanya tapos pahinga na siya.
“Ang advantage ng mga unang itlog na mapipisa ay ito po ang hindi basta-basta nagkakasakit at kung magkasakit man ay madaling gamutin basta balansiyado ang kinakain at solid po ang genetic transfer,” sabi pa ni Doc Marvin.
“Makikita mo talaga ang characteristic ng parents nila huwag lang tatamaan ng sakit kasi talagang maiiwanan na sa paglaki, basta nagka-sakit patayin na agad nang patayin kasi carrier/manghahawa lang ‘yon.”
Kaya dapat kung papasukin ang gamefowl breeding o pagpapalahi ay magse-set tayo ng standard o pamantayan para may direction ang lahat ng gagawin. Kung saan po ang pamamaraan na nanalo ang manok natin ay huwag nang baguhin at papalitan kasi sa huli ang usapan ay kung nanalo.
Comments are closed.