ALAGAD NG SIMBAHAN PUMANAW SA CAR ACCIDENT

car accident

ZAMBOANGA CITY-HINDI na naisalba ng mga doktor si Fr. Alfredo Alabado, Archdiocese ng Zamboanga.

Batay sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, ayon sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), pumanaw si i Fr. o Alabado, 54 at parish priest ng Our Lady of Fatima Parish noong hatinggabi ng Huwebes, Hunyo 25.

Binuksan para sa public viewing para ang mga labi ni Alabado sa St. Michael, The Archangel Chapel mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi at alas-8:00 ng gabi hanggang alas 10:00 ng gabi.

Ang alagad ng Simbahan ay nasangkot sa road accident na sanhi ng kanyang kamatayan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.