NAGSANIB-PUWERSA ang Globe At Home at GCash para suportahan ang mga prepaid customer nito lalo’t tuloy ang banta ng COVID-19.
Bukod sa connectivity ngayong new normal at “cashless transaction”, magbibigay rin ang Globe At Home sa mga prepaid customer nito ng LIBRENG medical insurance coverage kontra COVID-19 at dengue mula sa GInsure at may bisa ito na tatlong buwan. Hatid ng Singlife, maaaring makakuha ng benepisyo hanggang P140,500.
Para naman sa mga Globe At Home at Unlipostpaid plans subscriber, maaari nilang makuha ang medical coverage simula sa Marso 26 (para sa mga bagong subscriber) at April 4, 2021 (para sa mga dati nang subscriber).
“Ramdam namin ang pangamba nina Tatay, Nanay, Ate at Kuya tuwing lumalabas ng bahay para maghanapbuhay. Naniniwala kami na kung sila ay magkakaroon ng dagdag na libreng medical insurance coverage, mababawasan ang kanilang pag-aalinlangan at madaragdagan ang kanilang kumpiyansa para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Kasi sa panahon ngayon, hindi lamang internet ang importante sa kanilang pamilya kundi pati proteksiyon laban sa COVID-19. At iyon ang ibibigay namin sa kanila,” paliwanag niDarius Delgado, head ng Broadband Business sa Globe.
Kailangan lamang ng mga Globe At Home Prepaid WiFi customers na gumamit ng mga sulit na promo ng Home Prepaid WiFi gaya ng HomeSURF99 at pataas, SURF4ALL99 o kaya ay HomeWATCH199 at pataas tapos i-redeem ang libreng insurance sa GInsure para makakuha ng pinansiyal na proteksyon mula sa mga medikal na gastusin dahil sa COVID-19 at Dengue.
Para makuha ang insurance coverage, kailangan naman ng mga Globe At Home Postpaid customer na i-download ang Globe At Home App. Kung mayroon na silang app, kailangan lang i-update ang kanilang personal na impormasyon.
Sa halagang P99 para sa HomeSURF99, may libreng 10GB na data ang mga Home Prepaid WiFi customer sa loob ng limang araw. Sulit sa pag-aaral, pang-work from home, at entertainment para sa buong pamilya!
“Malaking bagay na kahit papaano ay may COVID-19 at Dengue insurance ang ating mga customer lalo na’t hindi pa rintalaga natatapos ang banta ng pandemya sa ating bansa. Dagdagna kumpiyansa na rin sa kanila ito dahil may magagamit sila naproteksyon kontra COVID-19 at dengue,” sabi pa ni Delgado.
Dapat gamitan ng Globe At Home SIM ang mga Home Prepaid WiFi modems para magamit at masulit ang mga exclusive offers na alok ng Globe.
Dahil sa walang tigil at agresibong network expansion at modernisasyon ng network ng Globe, naging mas maayos at maganda ang mobile data experience ng mga kustomer nito. Base sa datos ng Ookla , lumabas na ang telco ang may pinakamagandang mobile average download speed sa lahat ng mga teknolohiya sa bilis na 16.44 Mbps noong Q4 2020 kumpara sa 13.50 Mbps na naitala noong Q4 ng 2019, o 22% napag-unlad.
Suportado ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), lalung-lalo na ang UN SDG No. 9 na nagbibigay ng pagpapahalaga sa papel ng imprastraktura at pagbabago bilang mga mahalagang bahagi ng pag-usbong ng ekonomiya at pag-unlad. Nangako rin ang Globe na isusulong nito ang 10 prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.
I am very impressed with your writing majorsite I couldn’t think of this, but it’s amazing! I wrote several posts similar to this one, but please come and see!