ANG pinakamahal na ice cream sa buong mundo na Ben & Jerry’s ay pag-aari ng Unilever. Ang Ben & Jerry’s, na nasa ilalim ng pamamahala ng Unilever, ay nagpapatakbo ng negosyo batay sa tatlong mission statement na nagbibigay-diin sa kalidad ng produkto, maayos na kita at commitment sa komunidad.
Kadalasan, nakadepende ang presyo ng ice cream sa butterfat percentage. Mas maraming butterfat, mas mahal. Mahal ang Ben & Jerry’s ice cream dahil natural cream ang sangkap nito na may mataas na saturated fat – na pwedeng maging sanhi ng sakit sa puso. Kung kakain ka ng sobrang ice cream at iba pang pagkaing may mataas na saturated fat nang madalas, pwede kang magka-heart attack.
Sina Ben Cohen at Jerry Greenfield ang founders ng Ben & Jerry’s ice cream. Kahit pa sumusuporta sila sa LGBTQ+, hindi sila bading kundi magkaibigang matalik lamang.
Maituturing na quality ice cream ang Ben and Jerry’s. Ang kaibahan lang nito sa ibang ice cream ay nilagyan ito ng stevia sa halip na asukal, dinagdagan ng fiber, at napakaraming hangin.
Sa mga empleyado naman, mabuti rin ang pakikitungo nila dahil bukod sa malaki ang kanilang sweldo sa karaniwan, may supply din silang 3 pints ng ice cream araw-araw para iuwi. May Ben & Jerry’s na rin sa Pilipinas na matatagpuan sa Rockwell Makati.— NV
Oh my goodness! Awesome article dude! Thank you so much, However I am experiencing issues with your RSS. I don’t understand why I cannot subscribe to it. Is there anybody getting identical RSS problems? Anyone that knows the answer can you kindly respond? Thanks!!