ANG pinakamatandang tao sa Pilipinas, supercentenarian Lola Francisca Susano.
Itinuturing na pinakamatandang Filipino si Lola Francisca Montes- Susano. Isinilang, lumaki, at nagkaedad siya sa Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental. Umabot na siya sa 123 years old noong Sept. 11, 2020 at tinaguriang supercentenarian.
Kung nababahala tayo ngayon sa pandemyang dala ng COVID-19, hindi lamang iyan ang pinagdaanan ni Lola Francisca. Maraming president na ng Pilipinas ang namayagpag at namatay ang nagdaan sa kanyang buhay. Nakaligtas siya sa Spanish flu noong 1918-1919, at nalagpasan niya ang una at ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan nng 1939-1945.
Healthy lifestyle ang ipinagmamalki ni Lola Francisca nang nang kapanayamin siya upang mapabilang sa listahan ng Guinnes Book of World Record. Ito raw ang best defense laban sa sakit at sa panghihina ng katawan.
Nakatira ngayon si Lola Francisca sa Puerto Princesa, Palawan is a. She is 122 years old, turning 123 on September 11. She was born in Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental. Isinilang si Lola Francisca bago pa idineklara ag Kalayaan ng Pilipinas noog 1898. Nalusutan niya ang smallpox pandemic noong 1900s, cholera epidemic noong 1905, Spanish Flu pandemic noong 1918, at ang pandemya ng COVID-19 ngayong 2020-2021. Sa 14 niyang anak, walo na lamang ang nabubuhay, na ang pinakamatanda ay 99 years old.
Ayon sa Gerontology Research Group, na may listahan ng 30 pinakamatatandang tao sa buong mundo, abot lamang sa 300 hanggang 450 ang mga supercentenarians sa buong mundo. Ang mga sopercentenarians ay iyong umabot ng 110 years old pataas.
Kahit matanda na, maayos pa ring magsalita si Lola Francisva. Nakapaglalakad siya ng walang baston, at nakatutugtog pa ng harmonica. Mahilig siyang kumain ng gulay at konting karne, pero ayaw niya ng baboy. Umabot raw siya sa ganitong edad dahil positibo ang pananaw niya sa buhay, healthy diet, at hindi rin siya umiinom ng kahit anong alcoholic drinks. NV
Comments are closed.