MARAMING duktror ang nagbabawal ng pag-inom ng kape sa mga pasyenteng may Alzheimer’s disease para raw makaiwas sa high levels of anxiety. Pero mahalaga pong malaman nating maraming tao rin ang kayang mag-tolerate ng caffeine – tulad ng mga Batangueno na lumaki na sa pag-inom ng Barako coffee.
Sabi sa research na isinagawa sa mga daga, nakatutulong ang caffeine upang pababain ang pagdami ng amyloid at nakababawas din ito sa pamamaga at pagkamatay ng brain cells. Hindi napatunayang nakababawas sa pagkakaroon ng dementia ang kape, at pwede ring hindi applicable sa tao ang eksperimento sad aga, pero ang napatunayan ay – walang kinalaman ang kape sa pagkakaroon ng dementia.
Sa totoo lang, masasabi pang good drink ito para sa nasabing sakit. Pwede rin ang tea, hot and cold milk, juice, soup, kalabasa at syempre, napakaraming tubig, depende sa ipinayo ng duktor, dahil may mga pasyenteng nahihirapang ilabas ang tubig na kanilang ininom.
Sa madaling sabi, ang kape ay hindi dapat ibawal sa dementia patients. Kaye Nebre Martin