(Alam ba news?) Karl Benz imbentor ng unang kotse

Noong January 29, 1886, inimbento ni Karl Benz ang kauna-unahang kotse (vehicle powered by a gas engine). Ang patent number nito ay 37435, at masasabing ito ang birth certificate ng kotse. Noong July 1886, unang rumampa sa kalsada ang ang three-wheeled Benz Patent Motor Car, model no. 1.

Ina-inspire si Benz sa paggawa ng kotse dahil kay Nikolaus Otto at sa kanyang engine innovation. Una niyang inimbento ang commercially successful 2-stroke engine. Pagkatapos, nagdisenyo siya ng three-wheeled vehicle at 4-stroke engine para patakbuhin ito. Ipina-patent ni Benz ang kanyang kotse noong 1886, ngunit determinado siyang gawing perpekto ang design nito bago ibenta.

Eventually, nilikha niya ang Mercedes-Benz, pangalang kumbinasyon nina Mercedes Jellinek at Karl Benz.

Originally, magkasama sa pag-imbento ng Mercedes-Benz sina Karl at Gottlieb Wilhelm Daimler at bahagi ito ng Daimler Motoren Gesellschaft, na mas kilala sa tawag na DMG. Una itong kinilalang Daimler-Benz bilang pagkilala sa mga founders.

Ang ipinambayad sa patent ng Mercedes-Benz ay mula sa dowry ni Bertha Benz. Ito ang kauna-unahang internal combustion engine sa kiotse. Na-patent itro noong 1886 bilang Benz Patent Motorwagen. Sina Gottlieb Daimler at ang engineer na si Wilhelm Maybach ang nakatuklas ng paraan upang magamit ang gasoline para patakbuhin ito.

Patuloy na pinatakbo ni Benz ang kanilang family business at nagpatuloy din siya sa pag-i-experiment ng bagong engine designs. Noong 1886, sa wakas, nagpa-patent siya ng unang gas-powered internal combustion engine, at nang taon ding iyon, itinatag niya ang Mercedes automobile company. Mula noon hanggang sa ngayon, Mercedes Benz pa rin ang nangungunang luxury car sa buong mundo. NLVN