(Alam ba news?) KING COBRA PINAKAMAKAMANDAG NA AHAS

Matatagpuan ang King Cobra sa Balabac, Jolo, Luzon, Mindanao, Min­doro, Negros, at Palawan. Lahat sila ay makamandag ngunit ang king cobra sa Luzon ang masasabing “dangerously venomous” predators na nagpupugad sa mga kakahuyang malapit sa dagat, urban parks at mga bukirin.

Philippine cobra raw ang pinaka-toxic sa lahat ng venom kahit pa ikumpara sa Naja (cobra) species, na dating itinuturing na pinakamakamandag na ahas.

But no worries, kadalasan, hindi agad nakamamatay ang tuklaw ng ahas kung malalapatan agad ng lunas — kahit pa kagat ng cobra. Ngunit kung hindi agad maaalis ang kamandag, mamamatay ang biktima sa loob ng 30 minutes.

Cold-blooded animals ang pagkain ng King Cobra tulad ng palaka. Ngunit may species daw na hindi kumakain ng palaka. Sa halip, kapwa ahas ang kinakain nila.

Ang ibang ahas naman, mas gusto nilang kumain ng daga.

Umabot ng 20 years ang lifespan ng King Cobra.

RLVN