(Alam ba news?) Luya para sa kalusugan

ALAM  nating nakatutulong ang luya sa rayuma at maganda rin ito para sa sore troath.

Alam din nating napakaganda ng mga prutas at gulay sa ating lahat. Sabi ng mga nutritionists, mas makabubuti reaw na kumain tayo ng naturally colored food araw-araw. Pero alam na ninyong may mga certain spices na meron ding health benefits? Tulad halimbawa ng luya. Kapag kumain tayo ng luya araw-araw, maraming magagandang bagay na magaganap sa ating katawan.

Matapang ag lasa ng luya, kaya nga masarap din itong salabat. Puno ito ng maraming good qualities.

Meron itong gingerol, shogaol, zingiberene at napakaraming vitamins and minerals. Hindi kataka-takang may mahaba itong medicinal history. Kung ang ibang Asian countries ay may ginseng, may luya naman tayong nnakakagamot ng maraming sakit. Noong unang panahon, at maging sa ngayonn, ginagamit ang luya na panggamot sa napakaraming uri ng karamdaman. Bukod diyan, nakabubuti sa katawan at sa kalusugan ang pagkain ng luya. Meron kasi itong gingerol, isang bio-active substance, na nakatutulong upang mabawasan ag mga sintomas ng pagsusuk at pagkahilo. Ang substance ding ito ang tumutulong upang mapagaling ang mga namamagang kasu-kasuan. May shogaol din ang luya na nagsisilbing analgesic na nakatutulong sa sakit sa puso at cancer. Ang zingiberene sa luya ay napakaganda sa digestion. Pero hindi lang yan. Gamot din ito sa diabetes at nakakapagpalakas pa sa immune system. At higit sa lahat, nakakapagpatalino dahil tumutulong din ito sa brain functions. – Kaye Nebre Martin