(Alam ba news?) Makasaysayang Pasig River

Napakayaman at napakahalaga ng Pasig River sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ang pinakamahalagang daanang tubig noong panahon ng mga Kastila, at kahit bago pa tayo nasakop. Mahalaga itong transportation route para sa pangangalakal, dahil kumukunekta ito sa Manila Bay at Laguna de Bay.

Ang unang tulay na nailatag sa Pasig River ay ang Puente Grande na ginawa noong 1626, na umaabot ng 100 metro.

Nasira ito ng lindol at pinalitan ng kahoy noong 1863, na muling ipinagawa noong 1875 at pinangalanang Puente de España.