Si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay naging pambansang bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang mga sinulat at involvement sa Filipino Propaganda Movement, na nagsulong ng pagbabago sa politika noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Isinulat Niya ang dalawang walang kamatayang aklat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na siyang nagpaningas ng puso ng mga makabayang Filipino upang ipaglaban ang kalayaan at kasarinlan.
Isinilang siya noong June 19, 1861 at namatay noong December 30, 1896 matapos barilin sa Bagumbayan, na ngayon ay tinatawag na Luneta.
Hindi siya sang-ayon sa madugong digmaan, ngunit ang kanyang kamatayan ang nag-instiga upang tumatag ang Rebolusyonaryong Filipino laban sa mga Kastila. RLVN