(Alam ba news?) San Isidro Labrador, Patron ng Manggagawang Pinoy

Isidore the Laborer, na kilala rin bilang Isidore the Farmer o San Isidro Labrador, ay isang Kastilang mangagawa sa bukid na kilala sa pagtulong sa mga mahihirap at sa mga hayop. Isinilang siya noong 1070 at namatay noong 15 May 1130. Isa siyang Katoliko, na patron ng mga magsasaka.

Ipinagdiriwang ng mga magsasaka ang Piyesta ni San Isidro Labrador tuwing Mayo 15 bilang pasasalamat sa mga aning kanilang natanggap.

Pinaniniwalaang isa siyang miracle worker, lalo na sa tubig. Isa sa pinakasikat niyang milagro ay nang sagipin niya ang buhay ng sarili niyang anak nang hilingin niya sa kanyang pananalangin sa Diyos na punuin ng tubig ang isang balon upang kapag umapaw na ito ay makalutang sa tubig ang bata.
Kaye Nebre Martin