NANANATILING si Sharon Cuneta ang pinakamayamang aktres sa buong Pilipinas, na may kabuuang assets na Php2.7 Billion. Sa dami ng kanyang properties, companies, houses, at expensive at name-brand collections, hindi maghihirap kahit hindi magtrabaho ang kanyang mga anak at pati na magiging apo.
Multi-awarded Filipino singer, actress and TV host na mas kilala sa tawag na “The Megastar” of Philippine entertainment and fondly called “Mega” or “Shawie” siya ay pumasok sa entertainment industry sa edad na 12 anyos bilang singer. Nag-aaral pa siya noon sa elementarya sa Saint Paul’s College Quiezon City.
Nagsimula ang career ni Cuneta bilang recording artist noong 1978 nang iere ng Vicor Music Corporation ang with single na “Tawag ng Pag-ibig,” sumikat siya ng husto nang umere ang awiting “Mr. DJ na sinulat naman ng sikat ding mang-aawit at composer noong panahong iyon na si Rey Valera.
Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan na isinilang noong January 6, 1966 ay nagging bida sa 59 na pelikula at nag-host ng mahigit 10 TV shows, bukod pa sa nakapag-record ng 40 albums. Isa siya sa itinuturing na pinakamahusay na mang-aawit at actress sa Pilipinas.