NOONG nakaraang linggo ay tinalakay natin ang bagong benepisyo para sa mga batang may kapansanan sa paningin. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang isa pang Z benefit package para sa mga batang may kapansanan sa pandinig o hearing impairment.
Ayon sa unpublished report ng Physicians for Peace noong 2016, tinatayang may 1.5M kaso ng mga batang nasa edad 19 pababa ang may hearing impairment. May mga ebidensiya rin na nagpapatunay na kung sa murang edad pa lamang ay mabibigyan na ito ng karampatang atensiyon at gamutan ay malaki ang tsansa na bumuti ang kanilang pagsasalita at language development.
Ang hearing impairment o pagkabingi ay ay resulta ng alinman sa congenital o acquired condition kung saan ang pagkakaroon nito ay maaaring ikategorya bilang mild, moderate, severe or profound.
Sa ilalim ng Z benefit package para sa hearing impairment ay covered na ang mga serbisyo mula diagnostic audiologic assessment, provision of hearing aids, hearing aid fitting at verification, batteries at ear mold, ear mold refitting at speech therapy.
Sakop din ng pakete ang assessment at hearing aid provision ng mga batang nasa edad mula 0 at mas mababa sa 3 taong gulang sa halagang P53,460 hanggang P67,100; assessment at habilitation sa halagang P45,400 hanggang P54,100 na nasa edad na 3 at mas mababa sa 6 na taong gulang; at P43,880 para sa assessment at habilitation para sa may edad 6 at mas mababa sa 18 taong gulang.
Samantala, maaaring makamtan ang speech therapy assessment at sessions sa halagang P22,100 hanggang P63,420; P43,670 hanggang P48,670 naman ang binabayaran para sa hearing aid replacement at kada taon ang isang kuwalipikadong bata na may hearing impairment ay maaaring maka-avail hanggang 2 sets ng therapies para sa moderate hearing loss at six sets para sa severe hanggang profound hearing loss sa ilalim ng minimum standard sa pangangalaga.
Gayunpaman, ang mga batang nasa edad mula 0 hanggang 17 taong gulang at 364 days na sumailalim sa professional assessment para maka-avail ay kailangang nagtataglay ng mga sumusunod na kondisyon: pagkakaroon ng pagkaantala sa auditory milestones o kaya naman ay isyu sa komunikasyon sa tahanan o paaralan, sensorineural hearing loss presenting with either moderate or severe at profound hearing loss at kawalan ng mga palatandaan at sintomas ng isang aktibong impeksyon sa tainga or ear infection (e.g. otalgia, otorrhea, fever and tenderness).
Upang patuloy sa pagkamit ng benepisyong Z, ang ilan sa mga sumusunod na panuntunan o rules ay ipinatutupad: nakatupad sa pamantayan ng selection criteria upang maipagkaloob ang serbisyo, nakapasa sa mga kinontratang Health Care Institutions (HCI), ang nakakontratang HCI ay dapat sumunod sa prescribed process of seeking approval for the pre-authorization, naipatutupad ang no balance billing policy sa lahat ng panahon at out of pocket expenses sa lahat ng kategorya na miyembro ng PhilHealth maliban kung may upgrades sa serbisyo at aprubadong pre-authorization mula sa PhilHealth bago ang pagbibigay ng mga serbisyo na kung saan ito ay valid ng isang taon mula sa date na naaprubahan ng PhilHealth at sa kondisyon na ang isang bata ay hindi pa 18 taon gulang.
Abangan ang talaan ng mga kinontratang hospital para ma-avail ang mga benepisyo.
Para sa inyong mga katanungan o kung may paksa kayong nais naming talakayin sa kolum na ito ay tumawag sa aming 24/7 Corporate Action Center sa (02) 441-7442, o magpadala ng sulatroniko sa [email protected]. Ang mapipiling paksa ay may munting alaala mula sa PhilHealth.
Comments are closed.