(Alarma itinaas sa Marikina river) 8 GATES NG MANGGAHAN FLOODWAY BINUKSAN

ITINAAS ang unang alarma sa Marikina river ng umabot sa 15 meters ang antas ng tubig baha at binuksan din ang 8 gates ng Manggahan Floodway para hindi umapaw sa Marikina City.

Ito ang inilabas na alarma kahapon ng alas-3:35 ng madaling araw ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ang pagtaas ng tubig ulan sa lungsod batay sa ulat ng Public Informarion Office (PIO) ay bunsod ng Southwest Monsoon (Habagat), kaya tumaas ang lebel ng tubig sa Marikina river.

Sa karanasan umano ng lungsod, ang ikalawang alarma ay nasa 16 metro at ang ika – 3 alarma ay 17 metro kasabay ng puwersahan umanong paglilikas sa mga residente na nakatira sa tabing ilog at mga mababang lugar .

Nabatid na nasa tatlong libong pamilya ang inilikas at dinala sa mga evacuation center.

Habang isinusulat ang balitang ito hindi pa nagla­labas ng bagong datos ang Marikina City Government habang patuloy ang buhos ng ulan dala ng habagat. ELMA MORALES

109 thoughts on “(Alarma itinaas sa Marikina river) 8 GATES NG MANGGAHAN FLOODWAY BINUKSAN”

  1. 35554 449669Very good day. Extremely cool blog!! Man .. Outstanding .. Wonderful .. Ill bookmark your internet site and take the feeds additionallyI am glad to locate numerous valuable info correct here within the post. Thank you for sharing.. 543673

Comments are closed.