ALAS MEN MAINIT ANG SIMULA SA SEA V.LEAGUE

MATIKAS na sinimulan ng Alas Pilipinas men, sa ilalim ng kanilang bagong coach, ang kanilang kampanya sa first leg ng SEA V.League makaraang pataubin ang Vietnam, 25-21, 25-22, 18-25, 25-23, sa unang araw ng three-day tournament nitong Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium.

Ito ang unang laro ng koponan sa ilalim ni bagong head coach Angiolino Frigoni.

Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Indonesia sa Sabado, pagkatapos ay ang Thailand sa Linggo.

Sa unang laro ay winalis ng Thailand ang dating two-time champion Indonesia, 25-21, 25-23, 25-20,
Target ang top spot sa pagkakataong ito makaraang magkasya sa silver at bronze sa dalawang legs noong nakaraang taon, ang Thailand ay naging mainit at kinuha ang krusyal na panalo.

Nanguna si Thungkham Chaiwat para sa Thais na may 13 points sa 9 attacks, 3 blocks at 1 service ace sa opener ng four-nation event na hinost ng Philippine National Volleyball Federation, sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.

Bagama’t nagdala ang Indonesia ng serious firepower sa katauhan ni 24-year-old opposite hitter Anggara Agil Angga, ang koponan ay tila hindi pangkaraniwang matamlay, kung saan nahirapan sina Kurniawan Hendra at Putrama Fahri Septian sa net defense ng Thais.

Naitala ni six-foot-8 middle blocker Nilsawai Kissada ang apat sa 14 blocks ng Thais, habang may tatlo si Chaiwat.

Tumapos si Kissada na may 11 points, ang kaparehong output ni Bhinijdee Napadet.

Nanguna si Angga sa mga scorers na may 18 sa 15 attacks, 2 aces at 1 block para sa Indonesia, na winalis ang dalawang legs noong 2003.
CLYDE MARIANO