MULING mahaharap ang Alas Pilipinas women sa acid test sa FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup na iho-host ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) mula July 4 hanggang 7 sa Ninoy Aquino Stadium.
Isang makasaysayang bronze medalist sa AVC Challenge Cup for Women noong nakaraang buwan, ang Alas Women, geyunman, ay kailangang sumagupa sa parehong koponan na pumigil sa kanila na magkaroon ng tsansa sa gold sa continental tournament— ang Vietnam.
“It’s tough on Day 1 for Alas Pilipinas, but we’re very sure they’ll give the Vietnamese a tough fight,” wika ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara.
Ang Alas Pilipinas-Vietnam duel ay nakatakda sa alas-6:30 ng gabi sa Hulyo 5 matapos ang salpukan ng Czech Republic at Argentina sa alas-3 ng hapon.
Sa Hulyo 4, sisimulan ng Puerto Rico at Kenya ang hostilities sa alas-3 ng hapon, na susundan ng duelo ng Belgium at Sweden sa alas-5 ng hapon.
Ang mga mananalo ay uusad sa semifinals hanggang sa finale na nasa ilalim din ng win-or-go-home format ng tournament kung saan ang top team ay magkukuwalipika sa Volleyball Nations League (VNL) sa susunod na taon.
Ang Alas Pilipinas ay galing sa third place finish—ang pinakamatikas ng bansa sa continental stage— sa AVC Challenge Cup kung saan itinanghal sina team captain Jia Morado-De Guzman at Angel Canino bilang Best Setter at Best Opposite Spiker, ayon sa pagkakasunod.
Sina pro star Jema Galanza at collegiate aces Bella Belen at Alyssa Solomon ay idinagdag sa koponan ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito na ipaparada rin sina Fifi Sharma, Thea Gagate, Sisi Rondina, eya Laure, Faith Nisperos, Vanie Gandler, Dawn Macandili-Catindig, Julia Coronel, Jen Nierva, Dell Palomata, Cherry Nunag at Arah Panique.
CLYDE MARIANO