ALAS PILIPINAS TEAMS MAGPAPAKITANG-GILAS SA ASIAN SENIORS BEACH VOLLEY TILT

MULING magpapasiklab ang Alas Pilipinas para sa local fans sa Asian Senior Beach Volleyball Championships na nagsimula na noong Miyerkoles sa City of Santa Rosa.

Muling dadalhin ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang top-notch action sa Nuvali Sand Courts, kung saan magbabakbakan ang Asian Volleyball Confederation (AVC) at FIVB-rated teams para sa top honors.

“Again, the Philippines and Nuvali become the epicenter of beach volleyball with some of the continent’s, if not the world’s best showcasing their elite skills before Filipino fans,” sabi ni Ramon “Tats” Suzara, presidente kapwa ng AVC at PNVF.

Muling magtatambal sina Ran Abdilla at James Buytrago, nagwagi ng bronze medal sa Southeast Asian Games sa Cambodia noong nakaraang taon, sa hangaring pataubin ang fancied rivals mula sa Asia at Oceania sa torneo.

Target nina Iran’s Abbas Pourasgari at Alireza Aghajanighasab ang isa na namang top podium finish matapos ang kanilang tagumpay sa AVC Beach Tour Nuvali Open noong April, habang tatlong tandems mula sa Australia at dalawa sa New Zealand ang nasa 24-team field.

Makaraang magwagi ng silver katambal si Buytrago sa 2024 FIVB Volleyball World Beach Pro Tour Futures noong April at makipagpartner kay Abdilla sa Futures tournament sa China noong September kung saan mayroon silang 1-2 record, Si Rancel Varga ay muling maglalaro na may bagong partner sa pagkakataong ito.

Dalawang beses na naging MVP sa University Athletic Association of the Philippines, asam ni Varga ang podium katambal si Alas Pilipinas new guy Lerry John Francisco ng Philippine Coast Guard.

Dalawampung pares ang seeded sa main draw, kung saan apat pang spots ang paglalabanan ng 15 teams sa qualifying event, kabilang ang third Philippine tandem nina dating Perpetual Help star Ronniel Rosales at dating National University stalwart Edwin Tolentino.

Tututukan din sina Khylem Progella at Sofiah Pagara, na nakapasok sa quarterfinals ng 2024 FIVB Volleyball World Beach Pro Tour Futures Qingdao.
CLYDE MARIANO