ALAS WOMEN MAPAPALABAN SA VIETNAM

MATAPOS makopo ang makasaysayang bronze medal sa AVC Challenge Cup, ang Alas Pilipinas ay muling maglalaro sa harap ng home crowd sa 2024 FIVB Challenger Cup.

Makakasagupa ng Alas women ang reigning AVC champAion Vietnam sa knockout quarterfinal ngayong Biyernes, alas-6:30 ng gabi, sa  Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Gaganap si Dawn Macandili-Catindig ng papel ng nag-iisang libero para sa Nationals, tulad ng pagkukumpirma ni  Alas Pilipinas head coach Jorge Souza de Brito. Ito’y kasunod ng hindi paglalaro ni Jennifer Nierva.

Bukod kay Nierva ay wala rin sa lineup si Eya Laure, isa sa leading scorers para sa Pilipinas sa  bronze medal run nito sa AVC Challenge Cup.

Naunang nakatala bilang libero, si Creamline star Jema Galanza ay balik sa kanyang original position bilang outside hitter, habang si Choco Mucho middle blocker Cherry Nunag ay magsisilbing ikalawang libero ng koponan.

Bahagi rin ng  roster sina Jia De Guzman, Angel Canino, Thea Gagate, Fifi Sharma, Sisi Rondina, Faith Nisperos, Vanie Gandler, Julia Coronel, Dell Palomata, Mhicaela Belen, at  Arah Panique.

Si Belen ay muling sumama sa practice session ng Alas Pilipinas kamakalawa matapos ang short trip sa Korea.

Sa kabila ng depleted lineup, inaasahang bibigyan ng Alas Pilipinas ng magandang laban ang Vietnam at sisikaping makuha ang panalo para makausad sa susunod na round.

CLYDE MARIANO