(Alaska franchise binili) CONVERGE PINAKABAGONG TEAM SA PBA

ANG Converge ICT Solutions Inc. ang pinakabagong koponan sa  Philippine Basketball Association (PBA) makaraang bilhin ng Dennis Anthony Uy-led tech firm ang prangkisa ng Alaska Aces.

Inanunsiyo ni PBA commissioner Willie Marcial ang kaganapan sa isang press conference nitong Miyerkoles.

“We’re truly honored and excited to be part of the PBA associated with such a beloved team. Converge hopes to continue the legacy of pride, passion, competitiveness, discipline, and sportsmanship that the franchise has been known for,” pahayag ni Uy sa isang statement, na binigyang-diin ang legacy na iniwan ng Alaska sa local professional basketball.

Ayon kay Marcial, inaprubahan ng 11 directors ng PBA Board ang pagbenta ng  Alaska sa Converge.

Si dating  PBA commissioner Chito Salud ang ipinakilalang team governor ng Converge squad.

“Converge will be a strong and active member of the PBA. With full management support and continuous recalibration, we will be competing at a high level and will be bringing topnotch basketball to Filipino sports fans,” sabi ni Salud sa press conference.

Aniya, rerebyuhin ng mga opisyal ng Converge ang performance ng mga dating Alaska coaches at players bago gumawa ng anumang hakbang para sa kanilang debut sa  47th season ng liga.

Idinagdag ni Salud na magsasagawa ang Converge management ng hiwalay na  press conference sa April 5 para ipakilala ang koponan, kabilang ang kanilang monicker.

Binili ng Converge ang Alaska makaraang ianunsiyo ng Wilfred Uytengsu-owned franchise noong nakaraang February ang paglisan nito sa it PBA makalipas ang 35 seasons kung saan nagwagi ang Aces ng kabuuang 14 championships, kabilang ang grand slam noong 1996.