ALAY NG PAG-IBIG FUND SA MIYEMBRO: MATAAS NA DIBIDENDO AT NET INCOME NAITALA

Pag-IBIG FUND

GOOD NEWS para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na pagtaas ng net income na 33.17 bilyong piso, mataas na sampung porsiyento (10%) at sa naitakdang pinakamataas na dibidendo na 28.23 bilyong piso para sa taong 2018 dahil sila ang direktang makikina-bang sa malakas na financial standing ng ahensiya.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng Home Mutual Development Fund (HDMF), nakamit ng ahensiya ang panibagong record dahil sa pinaigting na collection at mas pina­lawak na mga hakbang na nagresulta sa mataas na record na ito.

“Pag-IBIG Fund continues to heed the call of President Rodrigo Roa Duterte for government to provide social benefits to more Filipinos which is why 86 percent of the net income, amounting to 28.23 billion, will be given back to members in the form of dividends and will be credited to their re-spective accounts,” ayon kay Secretary Eduardo D. Del Rosario, chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Ibig sabihin nito, ayon pa kay del Rosario, madagdagdagan ng pondo ang bawat mi­yembro ng ahensiya sa pamamagitan ng dibidendo sa kanilang regular Pag-IBIG savings at Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings program at mabilis na tataas ang savings ng miyembro.

Matatandaan na noong 2017 nakapagtala ng net income na sampung porsiyento (10%), napanatili nito ang double-digit na pag-angat sa loob ng li-mang taon. Kapuri-puri ang ganitong performance ng ahensiya dahil nakakamit ito sa loob lamang ng maiksing panahon (4-year period). Samantala, pinakamataas din ang total assets ng ahensiya sa siyam na porsiyento (9%) sa 533.72 bilyong piso sa pagtatapos ng taong 2018.

Malaki naman ang pasasalamat ni Pag-IBIG Fund Chief Executive and CEO sa tiwala at suporta ng bawat miyembro na patuloy na nakapaga-avail ng mga programa at sinisiguro ang pagbabayad sa takdang-oras ng kanilang loans kaya maganda at malakas ang financial status nito.

“Pag-IBIG Fund prides itself on being a government institution that serves and takes care of its members kaya makaaasa po kayo sa inyong Lingkod Pag-IBIG na magbibigay ng tapat ng serbisyo, mula sa puso,” ani pa ni Moti. CRIS GALIT

Comments are closed.