ALAY NG ROTARY

Erick Balane Finance Insider

GAGANAPIN sa darating na Pebrero 23 ang 25th Alay ng Rotary sa Araw ng Kabataan, isang mala­king com-petition in the field of Philippine culture, arts and music,  sa Amoranto Sports Complex na inaasahang dadalu-han ng mahigit sa 4,000 estudyante mula sa elementary at high school sa Quezon City. Isa itong signature project ng Rotary Club of Kamuning.

Itinuturing itong pinakamalaking youth event program ng pamosong Rotary Club of Kamuning na mag-tatampok sa kakayahan ng mga kabataan sa siyudad ng Quezon para pagyamanin ang tradisyunal na Filipino arts and culture sa bansa gaya ng kompetisyon sa  on-the-spot painting, vocal solo, chorale singing, interpretative dance, drum & lyre, rondalla at iba pa.

“Now on its 25th year, we are proud to launch again our Alay ng Rotary Sa Araw ng Kabataan project, which we particularly dedicate to our young ones who seem to have lost interest in traditional Philippine arts and culture due to the advent of technology such as social media. As the rise of social media technology has exposed our youth to issues and cultures all over the world. We watch with as this same technology has caused our youth to stay fur-ther away from activities that celebrate Filipino arts and culture” paliwanag ni ROCK President Franco ‘Ching’ Igle-sias.

“The ROCK like the element it represents, is solid and stable. It continues to prosper and develop not only be-cause of its dedication to Rotary ideals but also because of its legendary solidarity and club pride.”

Ang Alay ng Rotary sa Araw ng Kabataan ay sinasaksihan ng halos 10,000 katao taon-taon.

Kabilang sa mga prominenteng personalidad na naging ­pangulo ng ROCK  mula noong 1979 hanggang sa kasalukuyan ay sina Crispulo Zamora, Rafel Fernandez, Luis Clemente, Armando Apostol, Rodrigo Estrela, George Canseco, Henry Yanez, Victor Clemente, Romeo Imson, Rolando Matic, Carlos Pena, Edgar Salud, Ramon Rodri-go, Rafael Canseco, Ernesto Isla, Francisco Sarabia, Fernando Angulo, Emilio Tamayo, Bernanrdo Capa, Felino Timbol, Rogelio Senen, Romeo Roxas, Felicisimo Tenorio, Jr., Manolito Sese, Salvador Lorbes, Philip Soriano, Er-lando Abrenica, Richard Ordonez, Gerardo Panghulan, Manolito Alano, Herbert Bautista, Giovanni Avenido, Ed-win Llanes Efren Capa, Efren Marasigan, Arturo Herrera, Philip Alarilla, Siegfred Manaois, Leonard Lim, Rizalino Jose Rizal Toralba at Ching Iglesias.

Maganda ang layunin ng Rotary Club of Kamuning sa pagsusulong ng ganitong uri ng event dahil mala­king atensiyon ang naibibigay nito upang ang mga kabataan ay mahimok na lumahok sa iba’t ibang kompetisyon sa halip na malulong sa masamang bisyo.

Ang ganitong uri ng kompetisyon ay umaani ng suporta mula sa iba’t ibang sektor at maging sa ating pamaha-laan.



Nasa P79.012 billion ang pinakoko­lekta ng Department of Finance (DOF) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa mga karagdagang buwis na ipinataw sa iba’t ibang produkto sa ilalim ng Tax Reform for Accelera-tion and Inclusion (TRAIN) Law ngayong taon.

Sa Revenue Memorandum Order No. 9-2019 na ipinalabas ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay, ang halaga ay bahagi ng overall collection goal ng BIR na P2.331 trillion para sa  2019.

Kumpiyansa naman ang mga opisyal ng BIR na makokolekta ang naturang tax goal upang ipangtustos sa iba’t ibang proyekto ng administrasyong Duterte, lalo na yaong para sa kapakanan ng mahihirap.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09086198614 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.