INILAGAY na sa full alert ang status ng Albay Police Provincial Office ilang araw bago ang pag-obserba sa Todos Los Santos at Undas.
Nasa 1,400 na pulisya ang ididi-deploy sa lalawigan upang magbantay sa peace and order at seguridad ng mga bibisita sa mga namaalam nang mahal sa buhay.
Pahayag ni PCol. Wilson Asueta, provincial director ng Albay-PNP, maglalatag ang pulisya ng motorist assistance centers at desks sa pag-accomodate ng mga tanong ng mga biyahero, sa kalsada man o sa mismong sementeryo.
Asahan na umano ang police visibility maging sa checkpoints lalo na’t vehicular accidents ang karaniwang problema sa naturang panahon.
Mahigpit naman ang paalala ni Asueta sa pagbabawal ng pagdala ng mga patalim at nakalalasing na inumin sa loob ng sementeryo na posibleng mangahulugan ng kaukulang kaparusahan.
Kung aalis naman ng bahay, tiyaking nakasara ang mga bahay upang hindi mabiktima ng mga magnanakaw o maari namang magpaiwan ang isa o makisuyo sa kapitbahay na mabantayan ang lugar. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.