ALBAYALDE AT ELEAZAR CAVS AWARDEES SA PMA

ALBAYALDE and ELEAZAR

FORT DEL PILAR,  BAGUIO CITY – DALAWA lamang sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang cavalier awardees, isang parangal ng Philippine Military Academy (PMA)  sa kanilang mga mag-aaral na naging matagumpay sa career.

Iginagawad ang para-ngal tuwing Homecoming Alumni ngayong buwan.

Ang mga ito ay sina PNP Chief,  Dir. General Oscar Albayalde, mi­yembro ng Sinagtala PMA Class 1986 at National Capital Region Police Office chief,  Director Guillermo Eleazar, ng PMA Class 1987.

Si Albayalde ay ginawaran sa kategorya ng command and administration habang si Eleazar ay sa police operations.

Bibigyan din ng Outstanding Award si AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal bilang bagong Hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Samantala,  naging mahigpit ang pamunuan ng PMA  sa lahat ng politiko at kanilang alumni na sasabak sa 2019 Mid-Term Elections

Ayon kay Lt/Col. Harry Baliaga, tagapagsalita ng PMA, kanila nang nasabihan ang mga bisita ng PMA hinggil sa mahigpit na pagbabawal sa anumang uri ng aktibidad na may kinalaman sa eleksiyon lalo na ang pangangampanya na na-ging epektibo naman dahil sumunod naman sina dating PNP Chief,  Ronald dela Rosa at Cong. Gary Alejano.

Ang ilan pa sa mga PMA Alumni na sasabak sa halalan ay sina Art Lumibao at Leopoldo Bataoil.

Naging panauhing pandangal din sa nasabing pagtitipon si Department of Environment and Natural Resources (DENR)Secretary Roy Cimatu na isa ring Alumnus at dating AFP Chief of Staff.

Binigyan  ng arrival honors sina AFP Chief of Staff  Gen.  Benjamin Madrigal at Gen. Alba-yalde maging sina Defense Secre-tary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año na isa rin sa mga Alumnus ng PMA.

Dumalo rin sina National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, National Peace Adviser Carlito Galvez at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya gayundin sa pulisya na nagtapos din sa PMA. EUNICE C

Comments are closed.