ALBAYALDE ‘DI SISILIP SA LUMAD SCHOOLS SA MINDANAO

Albayalde

CAMP CRAME – AYAW nang patulan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde ang pasa­ring ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na bisitahin ang mga lumad school sa Mindanao upang malaman na mahusay ang mag-aaral sa nasabing paaralan.

Paliwanang ng PNP chief, hindi na niya kailangan pang magtungo sa mga naturang paaralan dahil ito ay nasa poder ng Department of Education bilang chief regulator ng mga eskuwelahan sa bansa.

Magugunitang sinabi ni Albayalde na kaya aniya inaresto ang tinaguriang “Talaingod 18” ay dahil sa pagtuturo umano ng Komunismo sa mga kabataang lumad batay sa sumbong sa kanila ng mga tribal leader nito.

Sinasabing tinangay ng grupo nila Ocampo at Castro ang mga kabataan na walang abiso sa mga magulang nito.

Dagdag pa ni Alba­yalde, pilit na itinatanim ng grupo sa isip ng mga kabataang lumad ang doktrinang Komunismo na nakahalo sa mga asignaturang itinuturo nila sa mga ito. EUNICE C.

Comments are closed.