(Albayalde ginawaran ng testimonial parade) PAGHAHANAP SA NEXT PNP CHIEF SIMULA NA

albayalde

GINAWARAN kahapon ng testimonial parade si Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde, kaugnay sa nakatakda nitong pagreretiro sa darating na Nobyembre 8, 2019 na saktong na nataon sa araw na nag-walkout ang PMA Sinagtala Class of 1986 na kinabibilangan ng heneral dahil sa isang kaso ng hazing noong nasa second year pa lamang sila.

Inihayag ni Albayalde na nais  sana ng  Sinagtala Class na gunitain ang kanilang  ginawang “Walk in, Walkout” nang ipro­testa nila ang pagdadawit sa kanilang dalawang Mistahs sa listahan ng mga suspek sa naganap na hazing .

“We protested because we wanted the commandant of cadets to spare our classmates who had nothing to do with it … We thought walking out meant the end of our careers as cadets (and future military officers),” ani Albayalde .

“We were punished. We marched under the heat of the sun,” na tinanggap umano nila ng buong-buo dahil lehitimo itong parusa para sila disiplinahin  hindi gaya ng parusang naabot ni Fourth Class Cadet Darwin Dormitorio na tuluyang namatay sa PMA Station Hospital noong  Sept. 18 dahil sa hirap na inabot.

Samantala, ang ginagawa ngayong exit call ni Albayalde sa iba’t ibang military at PNP camps ay hudyat na rin para simulan  ang pagpili  sa susunod na PNP chief.

Kabilang sa mga matunog na pangalan na posibleng hirangin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kahalili ni Gen. Albayalde sina: PNP National Capital regional Police Office  chief P/Major General Guillermo Eleazar.

Kasama rin sa mga sinasabing pinagpipilian si Deputy chief for operations P/Lieutenant General Archie Francisco Gamboa at PNP Chief of directorial staff Lieutenant General Camilo Cascolan

Ang dalawang heneral ay kapwa natalaga sa Davao Region na bayan ni Pangulong Duterte.

Sina Gamboa at Cascolan ay mistah ni  Albayalde, subalit lantad namang kasanga ni Alba­yalde si  Eleazar sa trabaho partikular sa  Metro Manila Police operations. VERLIN RUIZ

Comments are closed.