ALBAYALDE NANGUNA SA 2nd SWAT NATIONAL CHALLENGE

swat

DAVAO – PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde ang 47 team na lumahok sa isang linggong 2nd SWAT (Special Weapons And Tactics Philippines) National Challenge 2018 sa Team Davao firing range sa Maa sa Cebu City.

Nagsimula ang kompetisyon sa pamamagitan ng isang ceremonial shoot.

Ayon kay Albayal­de, isang magandang pagkakataon ito para sa team building ng mga pulis.

Naniniwala ang PNP chief, sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay mas mapalalakas pa ang kapasidad ng iba’t ibang law enforcement unit pati na ang team work para malabanan umano ang masasamang elemento na responsable sa kaguluhan gaya na lamang ng mga terorista.

Nagsimula ang SWAT National Challenge noong nakaraang taon sa panahon ni da­ting PNP Chief “Bato” dela Rosa. EUNICE C.

Comments are closed.