ALBAYALDE NANINDIGANG WALANG MASAMA SA PAGTAWAG NIYA KAY AQUINO

DG-Oscar-Albayalde

NANINDIGAN si Philippine National Police  Chief General Oscar Alba­yalde na walang masama sa pagtawag niya kay Philippine Drug Enforcement  Agency (PDEA)  Director General Aa­ron Aquino kaugnay sa mga tauhan n’ya na inaakusahang ‘ninja cops’.

Nangyari ang pagtawag ni Albayalde noong hepe pa ng Region 3 si Aquino.

Iginiit ni Albayalde na malinaw naman sa mga pahayag ni Aquino na kahit ano pa ang naging laman ng kanilang pag-uusap, malinaw na hindi siya pinagbigyan ni Aquino.

Whether I called or not, wala pong nagbago sa desisyon niya, it’s because even during the time of General Lacadin, the motion for reconsideration was already partially granted,” ani Albayalde.

Samantala, tila nagbago ng tono si Aquino sa isyu ng pagtawag sa kanya ni Albayalde.

Sa muling pagharap sa hearing ng Blue Ribbon at Justice Committees ng Senado, inulit ni Aquino na tinawagan siya ni Albayalde noong 2016 at tinanong ang status ng dismissal order laban sa 13 naging tauhan nito na akusadong ‘ninja cops’ noong  provincial director pa siya ng Pampanga.

Gayunman, sa pagkakataong ito, idi­nagdag ni Aquino na sinabi rin sa kanya ni Albayalde na huwag munang ipatupad ang dis-missal order.

I wish to explain that my statement yesterday that General Albayalde called me up to know the status of the case of Baloyo and others is the truth,” ani Aquino.

Iginiit ni Aquino na wala syang intensyon na pasamain ang imahe ng PNP) kung saan siya nagsilbi ng 36 na taon.

Sinabi ni Aquino na nalilito rin siya kung tama bang isugal niya ang kaligtasan ng buo nyang pamilya.

“PNP made me who I am today, knowing the sad reality of recycling of illegal drugs that has made PNP or PDEA looks bad or worst, it means we have to exert all means to cleanse our rank, and put a start to the cycle,”

I was thinking of my family who are now put in much deeper danger. Two days ago I received a phone call from a friend who confirmed that some personality are plotting things against my family,”  ani Aquino. DWIZ882

Comments are closed.