CAMP CRAME – BIBIGYANG pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang matagumpay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa katatapos na May 13 midterm elections.
Partikular na pararangalan ni Interior Secretary Eduardo Año si PNP Chief, PGen. Oscar Albayalde sa hindi matawarang pag-ganap para matiyak na payapa at ligtas ang halalan.
“The DILG will confer awards to Albayalde for his invaluable services rendered as the over-all commander,” ayon sa statement ng DILG.
Maging si PBGen. Rolando Anduyan at siyam na iba pa ay pararangalan makaraang magpakita ng katapangan at pagiging maagap para maging matagumpay laban sa local terrorist group o Maute group sa Marawi City noong Mayo 23, 2017 hanggang October 17, 2017 o panahon ng bakbakan sa nasabing lungsod dalawang taon na ang nakalilipas.
Samantala, ngayong araw din, Hunyo 10, ay pangungunahan ni Sen. Loren Legarda ang groundbreaking ceremony sa Women and Children Protection Center alas-10 ng umaga sa harap ng National Headquarters Building sa Camp Crame, Quezon City. EUNICE C.
Comments are closed.