ALBERT MARTINEZ MAGALING MAGPALUSOT

faceup

SA tagal ng locked-in taping ng tele­seryeng Las Hermanas, posible talagang magkalapit ang mga artista. Matagal nang tsismis ang closeness nila Albert Martinez at Faith D’Silva. Mismong production staff daw kasi ang nakakakita sa sweetness ng dalawa. Sabi ng mga miron, walang masama kung may namumuong relasyon sa kanila. Age doesnt matter daw. Pareho naman silang malayang magmahal dahil biyudo naman ang actor, at single naman si Faith.

Kahit sabihing sesenta anyos na si Albert, wala naman sa hitsura. Physical fit siya at matikas pa rin ang porma. Sinong babae ang di mai-in love..aminin mo ‘yan Faith?

Pero kasama talaga ang intriga sa pag-aartista. Ngayong malapit nang ipalabas ng kanilang dramaserye, nagsalita na rin ang mahusay na aktor na si Albert. Nagkaroon daw sila ng magandang working relationship ni Faith. Kung ano man ang intriga hindi na niya papansinin. Wala raw namang masama, dahil matagal na siyang biyudo. Hindi pa rin daw mawawaglit ang pinagsamahan nila ni Liezel, ngunit hindi naman siya nagsasalita ng tapos na di na siya magmamahal.

“Mahirap din ang locked-in, dahil kung wala kang eksena nasa kuwarto ka lang o nasa tent. Buti na lang tuwing umaga nakaka-chat ko ang mga anak ko,” ani Alberty. “Ngayon ko lang nae-enjoy ang mga moments sa kanila.”

Ano ba yan? Wala pa ring confirmation o denial. Ang galing naman nilang sumagot, bitin pa rin tayong lahat.

GRETCHEN BARRETTO, SANTA CLAUS SA PASKO

Kakaiba ang kuwento sa buhay-pag-ibig ni Gretchen Barretto. Di ba, pati ang hilig niya sa sabong, pinag-usapan?

Sexy-tittilating actress as ST queen ang bansag sa kanyan nuon at hangga ngayon ay sexy pa rin siya. Madalas siyang masama sa mga controversial issues dahil ipinapakita niya ang tunay niyang ugali, kapag kaibigan ka niya. Walang kaplastikan. Hindi ka niya iiwan at ipagtatanggol ka pa niya.

Sa panahon ng pandemya, namigay pa si La Greta ng food ayuda. Ayaw na sana niya itong i-publicize pero mara­ming nabigyan ang nag-post sa social media. Hindi lang pala showbiz press ang naayudahan niya kundi mga kapwa artista ring walang trabaho. Namigay rin si La Greta ng wheelchairs at saku-sakong bigas. We even heard na sa Pasko, mamimigay siya ng Christmas love box.

Wow naman, santa claus ang dating!

Sa lovelife naman, lalong tumibay ang pagmamahalan nil ani Tonyboy Cojuangco lalo pa at engaged to be married na ang kanilang unica hija na si Dominique.

Sakaling magka-baby si Dominique, seksing lola ang dating ni La Greta.

Ano kaya gusto niyang itawag sa kanya, mamala o mamita?

3 thoughts on “ALBERT MARTINEZ MAGALING MAGPALUSOT”

  1. 515004 961855Soon after study a couple of of the weblog posts on your personal site now, we actually like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet website list and are checking back soon. Pls consider my web-site likewise and make me aware should you agree. 211054

Leave a Reply

Your email address will not be published.