Albie Casiño abot na abot sa father’s day

Walang pagsidlan ng tuwa ang actor na si Albie Casiño dahil abot na abot daw siya sa selebrasyon ng father’s day kasama ang una niyang anak na si Roman Andrew.

Araw-araw, mula nang dumating siya sa United States ay nagpo-post siya ang ngahin video at larawan nilang mag-ama sa Instagram.

Hindi raw niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya, basta napakasaya niyang mayroon na siyang isang Roman Andrew. Pakiramdam raw niya ay kaya niyang gawin ang lahat para sa kanyang anak.

Ani Albie, alam niyang hindi siya perpektong tao at hindi rin siya magiging perpektong ama, ngunit gagawin niya ang lahat para mabigyan ng magandang kinabukasan si Roman Andrew.