ALBIE CASIÑO, HANDS-ON DAD

Dahil first time ngang maging ama, sobrang hands-on si Albie Casiño sa pag-aalaga ng kanyang anak na si Roman Andrew.

Of course, ang ina ang talagang in-charge, pero hindi raw niya màpigilan ang sariling pagmasdan ang anak habang natutulog o naglalaro. Natutuwa siyang ikwento kahit kanino ang mga developments ng bata araw-araw, gaya ng kilala na nito ang boses niya at boses ng kanyang Ina at Lola.

Nakumpleto na umano ang buhay niya dahil kay Roman. Dati, aso lang umano ang inaalagaan niya, at dito siya natutong maging responsable.

“Kasi, pag naubusan ako ng dog food, mapi­pilitan akong lumabas kahit ayaw ko dahil magugutom ang aso,” aniya. “Ngayon, baby na ang inaalagaan ko at syempre mas responsable ako ngayon dahil anak ko yan.”

Ayon sa 31-year-old actor, madalas niyang tinitingnan kung humihinga ang kanyang anak.

“Kapag sobrang pagod na pagod ka, [sinasabi ko], ‘Please, matulog ka na.’

“Okay, puwede na akong mag-gym or something. Tapos habang nagdyi-gym ka, ‘I-check ko nga ito. Humihinga ba ito?’

“Kikilitiin mo yung paa, kung gumalaw, okay. Balik-gym ka uli.”

May bedtime routine na raw ngayon si Roman. Pinatutulog ni Albie ng 8:30 P.M., pero magigi­sing around 11 P.M. to 1 A.M. Padededehin niya ang baby at pagkatapos ay ipapa-burp. Kapag naka-burp na, papalitan niya ang diapers, matutulog, pero gigising uli ng 3:00 A.M.

“And my girl Michelina, will go back home to the United States in September kaya ako na lang mag-isa ang mag-alaga kay Roman,” kwento ni Albie.

May yaya raw naman pero syemre, hindi nila ito kasama sa bedroom. (Of course!) Kasama kasi nina Albie at Michelina si Roman sa kwarto dahil gusto raw nilang maging close ang bata sa kanila paglaki nito.

Okay lang daw kay Albie na mahirapan at mapuyat sa pag-aalaga ng kanyang anak, dahil kapag ngumingiti umano ito sa kanya ay nawawala agad ang kanyang pagod.

Kapag marunong na umanong magsalita si Roman, Tatay o Daddy ang gusto niyang tawag nito sa kanya. Ayaw daw niya ng ‘papa’ dahil papa ang tawag niya sa kanyang ama. Malamang, ito rin ang itatawag ni Roman sa kanyang lolo, kaya dapat, iba yung kanya para hindi malito ang bata.

I bet, magiging good dad talaga si Albie.

RLVN