Isa sa mga hotel ng ALC Group of Companies ay ginawang “quarantine facility” sa Pasig City.
Ito ay ayon sa Facebook post sa official account ni Mayor Vico Sotto ng naturang lungsod.
“Dahlia Hotel has now been converted into a QUARANTINE FACILITY. It can hold at least 300 people at once.
Ayon sa mga eksperto, mataas ang tsansa na dadami pa ako ng kaso ng #COVID19. Kailangan handa tayo. Strict supervise 14-day quarantine of PUMs & PUIs (with) mild-moderate symptoms is 1 way we can minimize community risk.
Maraming salamat sa mga may-ari ng Dahlia (tubig (at) kuryente lang babayaran namin). #PasigCity #UmaagosAngPagAsa #BeatCovidTo-gether.”
Wala pang isang oras mula nang i-post ng millenial mayor ay umabot na ito 30k likes, 1.8k comments na karamihan ay papuri, at 3.6k shares and counting.
Pinasasalamatan din ng ilang nagkokomento sa post ni Mayor Vico ang may-ari ng Dahlia Hotel. Narito ang ilan sa kanila:
Mula kay Aaron Atienza: Thank you sa owner ng hotel. Abante Mayor!
Ang ALC Group of Companies ay isang diversified company na pinamamahalaan ng chairman nito na si D. Edgard A. Cabangon. Nasa ilalim din nito ang media arms tulad ng ALC Media Group na kinabibilangan ng BusinessMirror, Philippines Graphic, PILIPINO Mirror, BM Health&Fitness, Cook Magazine, Home Radio 97.9 at DWIZ 882. CRIS GALIT
Comments are closed.