PINATAOB ni World No. 1 Carlos Alcaraz si reigning champion Novak Djokovic sa isang kapana-panabik na five-set men’s final noong Linggo upang makopo ang kanyang unang Wimbledon title.
Ang Spaniard ay nanaig matapos ang halos limang oras sa Centre Court, sa huli ay naitakas ang 1-6 7-6 (8-6) 6-1 3-6 6-4 ang panalo.
Ang 20-year-old ay naging third-youngest Wimbledon champion sa Open Era at nagdagdag ng ikalawang major title sa kanyang resume makaraang magwagi sa US Open noong nakaraang taon. Sa kanyang ipinamalas na athleticism at skill, napigilan ni Alcaraz si Djokovic na mapantayan ang record na walong Wimbledon titles at Margaret Court’s all-time record na 24 majors ni Roger Federer.