PINAHALAGAHAN ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza ang ADN (AlDub Nation) Homecoming last Sunday, October 21, sa pagdalo nila sa malaking event na ginanap sa SMX Convention Center sa MOA. Maaga pa ay puno na ang venue at nagkaroon muna ng programs at naging guests nila ang Music Hero ng “Eat Bulaga,” na kinanta ang mga songs na malapit sa kanilang mga idolo, na madalas ay sinasabayan nila ang pagkanta.
After ng “Sunday PinaSaya” dumiretso na roon si Alden at habang hinihintay nilang dumating si Maine, sumali pa siya sa mga laro.
Nang dumating si Maine, lubos na ang kasiyahan ng AlDub Nation. Mahalaga kasi sa kanila ang month of October, kaya time talaga to celebrate.
Unang-una, October 24, 2015, naganap ang unang pagkikita nang personal nina Alden at Maine, matapos ang halos three months na nagkikita lamang sila sa split-screen ng “Eat Bulaga.” Tinawag na “Tamang Panahon” ang okasyon na ginanap at pumuno sa napakalaking Philippine Arena sa Bulacan na more than 60K na tao ang dumalo. Noon din nagtala ng more than 41 million tweets in one day, from 12:01 am to 11:59 pm of October 24 at naitala ito ng Guiness World Records.
October 22, 2016 naman naganap ang church wedding nina Alden at Yaya Dub sa Christ the King Church. Bago natapos ang Kalyeserye, may kambal nang anak sina Alden at Yaya Dub.
“Maraming salamat sa inyong lahat na sa loob ng tatlong taon, nariyan pa rin kayo, hindi ninyo kami iniwanan,” sabi ni Maine.
“Maraming salamat na itinuloy ninyo ang ADN Scholarship program para sa aming pangalan ni Maine, at ngayon may 100 scholars na kanyang natutulungan,” sabi ni Alden.
Nagpasalamat din ang dalawa na kahit solo-solo muna ang projects nila ngayon, naroon pa rin ang suporta nila sa kanila.
“Sa ngayon po ay ang dami nang nangyayari kay Victor Magtanggol at pahirap na nang pahirap ang ginagawa ko lalo na kapag si Hammerman ako. Pero para po sa inyo lahat iyon, lalo na sa mga batang nanonood ng fantaserye namin gabi-gabi. Salamat sa inyong lahat.”
“Daddy’s Gurl” naman ang sitcom ni Maine kasama si Vic Sotto. Tawanan nang magsalita si Maine na tonong Batangenya siya: “Ala eh, ang dami-dami kong tinanong kung paano ako magsasalita bilang isang Batanggenya. Marami pong salamat na sinusubaybayan ninyo kami tuwing Saturday evening sa GMA 7.”
Natapos ang event sa isang selfie nina Alden at Maine sa lahat ng AlDub Nation.
DINGDONG AT DENNIS BANGGAAN NG DALAWANG HARI
IPINALALABAS na ngayon ang teaser ng full action-drama series na “Cain at Abel.” Ang ganda na teaser na may caption pang: “Mangyayari na ang pinakahihintay na banggaan ng dalawang hari.”
Tampok kasi dito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King Dennis Trillo. Pero hindi pa sinasabi kung sino si Cain at sino si Abel. Kahit ang cast ay sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez pa lamang ang sinasabing katambal nila Si Mark Reyes naman ang director.
Comments are closed.