ALDEN AT MAINE GINAGAMIT ANG PANGALAN PARA MAKAPANGHINGI NG DONASYON

MAY mga tao talagang sa gitna ng nangyayaring pandemic dahil sa COVIC-19, nagagawa pa ring gamitin ang ibang tao para sa pangsarili showbiz eyenilang kapakanan.  May mga nanawagang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na huwag gamitin ang pangalan ng dalawa para makapanghingi sila ng donasyon para sa mga apektadong pamilya.  Dapat nilang malaman na kung tumutulong ang dalawa, personal nilang sinasabi ito, tulad nang panawagan nila para sa Kindness Kitchen ng McDonalds na may kani-kanila silang area na binibigyan ng tulong.  At mayroon din silang personal na donation na hindi na nila ipinaalam kung kangino, na silang nangangasiwa sa donasyon na ito.

 

KC CONCEPCION NAMIGAY NG BIGAS SA 100 PAMILYA SA PARANAQUE

VERY proud naman si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion sa sariling donasyon nito sa may 100 families sa BF Paranaque.  Si KC naman halos naiyak sa narinig na pasasalamat ng mga recipients ng 500 kilos rice na ipinangako niya sa mga pamilyang ito na isang linggo na raw hindi kumakain:

“Thank you @bigbadbawang and @mikaelamartinez for successfully distributing the 500 kilos of rice I pledged for 100 families in BF! We can all make a difference whether we DIY, donate, or make actions toward helping, big or small.  Sabi nga ni Mayor @vicosotto, “Let’s just work.”

“Walang Pilipinong dapat magutom, lalong-lalo na sa mga panahong ito.  Consistent sana ang food distribution natin sa mga napili nating lugar, hindi lang one time, dahil syempre mauubos at mauubos din yan. Tulungan tayo, Pilipinas.”

 

MARIAN RIVERA NAGLUTO NG SPECIALTY NG KANYANG NANAY PARA SA FRONTLINERS NG QC GEN HOSPITAL

IBINAHAGI ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang ‘family specialty’ na personal nilang inihanda para hapunan ng mga frontliners ng isang ospital. Sabi ni Dingdong: “Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkang – aming munting handog sa mga Frontliners natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi.”

Si Marian: “Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today, who are sacrificing so much for us. Tonight’s meal for them is our family specialty – Menudo – a recipe that’s been passed on by my Nanay (her maternal grandmother).”

Ipinakita pa ng mag-asawa sa video ang pagluluto ni Marian ng Menudo, while si Dingdong naman ang nagtakal ng cupful of rice at inilagay niya sa mga special container at nilalagyan naman ni Marian ng Menudo.

Kahit mga kapwa co-stars ni Dingdong sa “Descendant of the Sun” ay nagsabing saludo sila sa mag-asawa sabay ang birong, kailan naman nila matitikman ang special Menudo ni Nanay Ingkang?

Nagpasalamat din si Dingdong sa mga frontliners: “Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat.  Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito.”

3 thoughts on “ALDEN AT MAINE GINAGAMIT ANG PANGALAN PARA MAKAPANGHINGI NG DONASYON”

  1. 897455 821499Thanks for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research about this. We got a grab a book from our region library but I believe I learned more from this post. Im very glad to see such amazing information being shared freely out there. 451661

  2. 387187 623622There is noticeably a bundle to discover out about this. I assume you produced certain nice factors in options also. 598884

Comments are closed.