MASAYA ang fans nang makita ang mga Kapuso stars na pinasaya ang 1k, 3k, 5k at 10k Mc Donald Stripe Run na ginanap sa MOA Grounds last Sunday early morning, ang stars at adults at mga batang sumama sa pagtakbo.
As early as 6:00 am, nandoon na sina Pambansang Bae Alden Richards, Maine Mendoza, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, na-roon din ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, kasama ang anak nilang si Stelar at si Camille Prats and son Nathan. Present din si Gabby Concepcion.
Sinuportahan din ng fans ang fun run at pumuno sila ng MOA grounds. Siyempre pa ay enjoy sila sa mga nakikita nila sa stage nang umakyat na roon ang mga Kapuso stars para i-announce kung sino-sino ang mga nanalo sa Stripe Run.
Happy si Maine na nakita niya ang girl crush niyang si Janine. Parang reunion naman kina Chynna, Janine at Alden ang pagkikita-kita nila roon after ng “Victor Magtanggol.” At biruan dahil magkasama muli sina Alden at Maine na tinilian ng fans nila na madaling-araw pa ay nandoon na.
Nauna raw lamang umalis si Alden kay Maine dahil mayroon pa siyang “Sunday Pinasaya” kaya si Maine na lamang ang nag-announce ng winners sa kanilang Yellow Team.
Ang proceeds ng McDo Stripe Run ay para sa advocacy ng food chain to help kids learn how to read. Congratulations!
ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO GUSTO NG NETIZENS NA MAGKATULUYAN
NATUWA ang mga fans ni Andi Eigenmann nang mag-post ang brother niya, actor Gabby Eigenmann, sa kanyang Instagram wall ng picture na kuha niya sa birthday ng pamangkin niyang is Ellie Eigenmann kasama ang mommy nitong si Andi at ang biolog-ical father niyang si Jake Ejercito. Caption ni Gabby: “Happiest bday @ellieeigengirl Love you! #damikogus-toihashtagperowgnalang! @andieeigengirl @unoemilio kudos to u guys!
Marami ang nag-comment na @sana sila na lang ulit.” Patungkol kina Andi at Jake. May nag-comment na “parang gusto ko maiyak… ngayon ko lang ulit nakita sina @andiegengirl at @unoemilio sa isang pic… sana talaga, sana magkabalikan na sila! Naka-kakilig!”
Ang alam namin may bagong boyfriend si Andi, pero si Jake ay walang nababalitang may bago itong lovelife, mas gusto niya ay inaalagaan niya ang anak nitong si Ellie kapag nasa kanya.
CARLA, SOPHIE, GABBI, JASMINE AT SHAIRA LUMITAW ANG HUSAY SA ‘PAMILYA ROCES’
MAY sepanx (separation anxiety) na ang cast ng “Pamilya Roces” ngayong may announcement na ng “nalalapit na pagwa-wakas” ng family drama na sinubaybayan gabi-gabi na puno rin ng tawanan lalo na sa eksena nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa sa simula ng serye na dinidirek ni Joel Lamangan.
Pero ngayon ay lumitaw na ang husay ng bawat isa sa cast, na gumaganap na stepsisters, sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz at Jasmine Curtis Smith. Si Carla ang mas kinagulatan sa kanyang mga dramatic moment dahil todo bigay ang acting niya lalo na nang ma-discover niya ang pagtataksil sa kanya ng asawang si Hugo (Rocco Nacino) at step sister na si Amber (Sophie).
Napapanood ang “Pamilya Roces” after ng “Onanay.”
Comments are closed.