ALDEN AT MAINE TINUPAD ANG WISH NG ALDUB NATION

ALDEN AT MAINE

NATUPAD na rin ang wish ng AlDub Nation (ADN) na makapag-guest si Pambansang Bae Alden showbiz eyeRichards sa number one sitcom ng GMA na “Daddy’s Gurl” na tampok sina Vic Sotto at Maine Mendoza, bilang sina Itang Barak at Visitacion “Stacy” Otogan respectively.

Sa taping nakausap si Alden at hindi niya itinagong nanibago siya sa taping procedure ng sitcom na dinidirek ni Chris Martinez.

“Nang ma-approve ang guesting ko sa “Daddy’s Gurl” ni-look forward ko na ang pagti-taping dahil balita ko iba ang procedure nila roon, plus gus-to kong makatrabaho ang buong cast na pawang mahuhusay na komed­yante,” sabi ni Alden.  “Ang ga­ling, iyon pala, iyong buong location, nandoon na lahat, hindi na sila nagti-taping sa iba’t ibang location. Isa pa, ang gaan ding katrabaho ang buong cast, hindi ka makakapigil tumawa sa mga eksena.”

Ang ibig sabihin ni Alden, isang condominium unit ang ginagamit nila sa taping, kaya nandoon na ang opisinang gamit nina Maine, Oyo Sotto, Kev-in Santos, Chi-chirita, at ang unit naman nina Itang Barak, Stacy, Benjie Paras, Jelson Bay, at Inang Marikit (Wally Bayola) at nina Angelika dela Cruz at Chamyto.

Kuwento pa ni Alden: “Mayroon kaming childhood past dito ni Stacy, ‘yung character ni Maine.  We are very close tapos nagkahiwalay kami nang matagal tapos naging business partner ako ni Bossing (Vic Sotto) sa isang coffee shop so parang doon magsisimula, doon  iikot yung character ni Al-drich Reyes.”

Sa interview rin kay Maine, sinabi niyang isang way raw iyon ng pasasalamat nila ni Alden sa kanilang fans. “Ang tagal na rin po nilang niri-request na mag-guest dito si Alden.  So, ito na yun, para sa kanila.”

Last Thursday, nag-taping na si Maine ng continuation ng “Daddy’s Gurl” sa Laiya, San Juan, Batangas.

Ngayong Saturday, March 9, na mapapanood ang “Daddy’s Gurl” after ng “Pepito Manaloto.”

DAWN ZULUETA BALIK-KAPUSO

DAWN ZULUETABALIK-KAPUSO ang mahusay na actress na si Dawn Zulueta, pero hindi isang teleserye ang gagawin niya, siya ang magbibida sa isang happy movie sa nagbabalik na GMA Films na ngayon ay GMA Pictures na.  Co-produced ang “Family History” ni Michael V at ng kanyang Mic Test Enter-tainmnent.  Si Michael V din ang magdidirek ng movie.

Matagal-tagal na ring wala sa Kapuso Network si Dawn, 13 years ago na si­guro iyon, kung hindi kami nagkakamali, ang first “Encantadia” telefan-tasya. In 2017, gumawa si Dawn ng movie with Vic Sotto, ang “Meant To Beh,” sa kanyang M-Zet Productions.

Nagkaroon na ng story conference ang “Family History” the other day.  Makakasama rin nina Dawn at Michael sa movie sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Paolo Contis, Ina Feleo, Cacai Bautista, Mikoy Morales, Nonie Buencamino at marami pang iba.

During the storycon, binigyan pa ng surprise birthday celebration ng production si Dawn na si­yempre pa ay very thankful sa sorpresang natanggap.

Mukhang full-blast ang GMA Pictures sa taong ito, dahil last week, nauna nang nag-story conference ang isa pang comedy movie na gagawin nila, ang launching movie ni Super Tekla.