MARAMING kinilig na mga netizens na sumusubaybay gabi-gabi ng inspirational drama series na “The Gift” in last Monday’s episode na may light kissing scene sina Sep (Alden Richards) at Helga (Sophie Albert). Na-develop na sa story na may gusto si Sep (na may vision) kay Helga (na isang psychic) at halata ring in love si Helga sa kanya kaya lagi niya itong tinutulungan.
Noong bagong nagsisimula ang story ng “The Gift,” may nagustuhan din si Sep, bago siya nabulag, si Faith (Thia Tomalla), pero nagustuhan din ito ni Jared (Martin del Rosario) na sa galit at selos niya kay Sep, napatay niya si Faith, at ibinintang kay Sep na bulag pa noon, na ito ang pumatay sa dalaga.
Ngayong gabi February 7, ay grand finale na ng serye, matupad kaya ang requests na mga netizens, na maging happy ending naman ang story ng buhay ni Sep.
Katuwiran nila, simula raw nang mabulag si Sep sa story, lagi na lamang siyang api-apihan, kahit nakakita na siya, lagi pa rin siyang naghihirap, damay pa ang adoptive mother niyang si Strawberry (Jo Berry) at kanyang Lola Char (Elizabeth Oropesa) kagagawan nina Javier (Christian Vasquez) at mistress nitong si Francine (Rochelle Pangilinan) na pawang kasamaan ang ginagawa kay Sep at sa pamilya nito.
In last Wednesday’s episode ay tinanggap na ni Sep na ang tunay nga niyang ina ay si Nadia (Jean Garcia) na sumama ang loob niya kina Straw at Char na lagi raw silang magkasama araw-araw sa bahay pero bakit hindi nila sinabi sa kanya?
Pero kung kailan nalaman ni Sep ang totoo, saka naman nawawala si Nadia na dinukot nina Javier at Francine. Mailigtas kaya ni Sep ang tunay na ina sa tiyak na kapahamakan sa kamay ng baliw nang si Javier?
Kaya don’t miss ngayong gabi ang grand finale ng “The Gift” sa GMA Primetime Telebabad, sa direksiyon ni LA Madridejos.
Romcom ang kuwento
MAINE MENDOZA NAKUMBINSE RIN NA MAG-GUEST SA MAGPAKAILANMAN’
FIRST time pumayag si Maine Mendoza na mag-guest sa drama anthology na “Magpakailanman” hosted by Ms. Mel Tiangco. Hindi lang naman ngayon inimbita ng programa na mag-guest si Maine, pero tumatanggi siya dahil ang lagi raw niyang napapanood ay mga drama episodes, eh hindi siya talaga comfortable gumawa ng mga dramatic scenes.
Kaya naman nang makakuha ng isang romantic-comedy story ang production, ini-offer nila agad iyon kay Maine para sa Valentine month. Nang mabasa ni Maine ang story na tawang-tawa na siya, hindi na siya nag-isip pa at tinanggap niya ang offer.
Titled “Kasal sa Funeral,” makakatambal niya si Kapuso actor Ruru Madrid. Comfortable na rin naman si Maine na katrabaho si Ruru dahil tatlong beses na itong nag-guest sa kanilang sitcom ni Bossing Vic Sotto, ang “Daddy’s Gurl.”
Sa story, parehong broken-hearted sina Jeanette (Maine) at Thugz (Ruru). Akala nila ay namatay na ang mga puso nila at hindi na sila iibig pang muli. Pero nang magkakilala sila, muling nabuhay ang mga puso nila sa gitna ng formalin at ng punerarya. Nagtitinda ng formalin si Jeanette at nag-tatrabaho naman si Thugz sa punerarya.
May “till death do us part” ba sina Jeanette at Thugz?
Huwag i-miss ang naiibang modern romantic comedy na magtatampok din kina Lilet, Simon Ibarra at StarStruck finalist Dani Porter, sa Saturday, February 8, pagkatapos ng “Daddy’s Gurl.” Sa direksiyon ni Jorron Monroy.
Comments are closed.