MAY 82-year old lola si Pambansang Bae Alden Richards, si Lola Linda, kaya na-touch siya nang nasa panel siya ng Juan For All, All For Juan segment ng “Eat Bulaga,” kasama sina Joey de Leon at Allan K, last Saturday, June 9. Ang nakuhang winner sa sugod bahay ay isang 80-year old na babae na mag-isa lamang namumuhay, hindi niya kasama ang dalawa niyang anak. Kaya para sa ikabubuhay niya, naghuhugas daw siya ng mga plato sa isang karinderya sa tabi ng bahay niya, at binibigyan lamang siya ng suweldong one hundred pesos (P100.00).
“Dahil may lola po rin akong katulad ninyo, ako na ang sasagot sa buwan-buwang allowance ninyo, para po hindi na kayo maghugas ng pinggan,” sabi ni Alden. “Kakausapin po kayo ng staff, Kuya Jose (Manalo), kayo na po ang bahala.”
No problem naman iyon, dahil ang mga nabubunot nilang winners na hindi alam ang gagawin sa mga napanalunan nilang cash prizes, ay tinutulungan ng staff ng EB kung ano ang gagawin for their safety rin, at aalamin na nila kung paano naman ibibigay ang allowance niya from Alden.
Likas na matulungin si Alden. Hindi iyon ang first time na nagbigay siya o sila ni Maine Mendoza, noong magkasama pa sila sa barangay. Ilan na ang nabigyan nila ng tulong, may scholarship na rin silang ibinigay, at mga allowances sa mga nag-aaral na contestant.
Kaya naman laging blessed si Alden at hindi siya nagsasawa sa pasasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.
Tulad nga last Sunday, sa pagganap niya bilang si Dr. Jose Rizal sa family drama-fantasy na “Daig Kayo Ng Lola Ko,” maaga pa lamang ay nag-trending na ito sa hashtag na #ALDENasJoseRizal, kaya naman mabilis na nagpasalamat si Pambansang Bae sa lahat ng mga nanood sa kanilang episode na inilaan para sa Philippine Independence Day.
AWAY NINA MEGAN YOUNG AT KATRINA HALILI EXTENDED
EXPECTED na ring mai-extend ang isa pang top-rating afternoon prime drama series na “The StepDaughters” nina Megan Young at Katrina Halili. Kung sa “Kambal Karibal” ay pumasok na si Sunshine Dizon, sa kanila naman ang papasok ay si Joyce Ching. At sa teaser pa lamang, kung palaban itong sina Mayumi (Megan) at Isabelle (Katrina Halili na kontrabida talaga ang role), si Joyce ay nagtanong naman na “kakayanin ba ninyo ako kapag nakasama ninyo?” It seems, isa pang palaban na mukha ring kontrabida ang gagampanan ni Joyce.
Kanino kaya siya itatambal? Si Edgar Allan Guzman as Froilan kasi ay tinanggihan ni Isabelle dahil hindi niya type ito, ang kasapakat niya sa pagkamatay ng anak ni Luisa (Glydel Mercado), ang kanyang stepmother at nanay ni Mayumi. At naging dahilan para mabaliw ito.
o0o
SA “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” nina Yasmien Kurdi at Mike Tan ay pumasok din si Rodjun Cruz na matindi naman ang pagkagusto kay Jackie Rice. Kapag muli silang nagkita ni Jackie, sino na ang kakampihan niya, si Yasmien na gusto niyang tulun-gan dahil sa mga inaabot nitong pang-aapi sa kaagaw sa puso ni Mike, na hindi niya alam ay si Jackie nga? Napapanood ang “HKKIK” after ng “The Step Daughters.”
Comments are closed.