MARAMI nang netizens na umiiyak gabi-gabi habang sinusubaybayan ang inspirational drama series na “The Gift” na tinatampukan ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. Excited na kasi sila kung malalaman na ni Sep (Alden) kung sino ang lalaking binabantayan siya at kung sino ang picture na nasa wallet na nakuha niya? Si Lola Char (Elizabeth Oropesa) ang nakaalam kung sino ang may-ari ng wallet na nakuha niya, si Nadia (Jean Garcia) at tunay na ina ni Sep.
Pero naglihim sa kanya si Lola Char, nawala raw ang wallet, takot kasi siyang kunin sa kanila ng anak niyang si Straw si Sep. Pero nakuha rin ni Sep ang wallet dahil sa vibration na naramdaman niya.
Ipinakita niya ito sa best friend na si Amor (Mikee Quintos) at sinabing si Nadia ang may-ari ng wallet. Si Nadia naman ay aalis na ng bahay nila. Pupunta sa bahay ni Nadia sina Sep at Amor, mag-abot kaya sila?
Ang “The Gift” ay napapanood gabi-gabi after ng “Beautiful Justice.”
RURU MADRID NATUPAD ANG WISH NA MAKATAMBAL SI JASMINE CURTIS SMITH
BLESSINGS para kay Ruru Madrid na makatambal ang isa ring Kapuso actress na si Jasmine Curtis Smith, sa “Cara X Jagger,” kaya nang sabihan siya ng manager niya at ng GMA Artist Center na gagawa siya ng romantic drama movie na katambal ang actress, nagpasalamat siya dahil isa pala si Jasmine sa pinapangarap niyang makatambal sa movie man o sa teleserye. Hindi rin niya ikinaila na isa si Jasmine sa showbiz crush niya. Lumampas ba sa showbiz crush ang turing niya kay Jasmine nang nagsu-shooting na sila?
“Hindi po naman dapat lumampas doon sa pagtatambal namin,” sagot ni Ruru. “Tama na po sa akin na natupad ang wish ko na makatambal ko siya. Malaking bagay na po sa akin na nakatrabaho siya at naging kaibigan. Iti-treasure ko siya sa buong buhay ko, na kahit anong mangyari, kaibigan ko pa rin siya. Saka alam ko po naman sa simula pa lamang ng team-up namin na may boy-friend na siya.”
Based sa trailer na ipinakita noong mediacon, mai-in love ka sa story nina Cara at Jagger na dating mag-sweethearts, pero dahil sa isang aksidenteng inabot ni Jagger, nawala ang kanyang memory, samantalang si Cara, pinipilit kalimutan ang nangyari sa kanila. Pero makapangyarihan ang pag-ibig, muli bang makaalaala ang puso ni Jagger at si Cara pa rin ang kanyang mamahalin?
Sa direksyon ni Ice Idanan, co-producer ng APT Entertainment ang Cignal Entertainment at mapapanood na ang “Cara X Jag-ger in cinemas nationwide.”
5 KAPUSO ACTRESS GAGAMITIN ANG BOSES SA KOREANOVELA NA “SKY CASTLE”
LIMANG Kapuso actresses ang magpapagamit ng boses nila sa limang lead roles sa Tagalized na Koreanovelang “Sky Castle,” na highest-rating drama in Korean cable TV history.
Limang housewives ang gaganap sa story: Lotlot de Leon as Sarah Han; Angelu de Leon as Arleen Lee; Chynna Ortaleza as Geleen No, Angelika dela Cruz as Ginny Jin at si Sunshine Dizon as Julie Kim.
Magsisimula nang mapanood ang “Sky Castle” ngayong November 4, Mondays to Thursdays, pagkata-pos ng “One of the Baes” sa GMA Primetime Telebabad.
Comments are closed.