MAAGANG nag-report sa taping si Alden Richards kahapon, August 26, sa set ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang “The Gift,” na naka-schedule na ring ipalabas next month sa primetime block. Mukhang inspired magtrabaho si Alden sa kabila ng sunod-sunod na event na pinuntahan niya. Last Friday and Saturday, nasa Davao City siya para sa Kadayawan Festival, kasama ang cast na sina Martin del Rosario, Thia Thomalla, Mikee Quintos at Ysabel Ortega.
Pagbalik ng Manila, Saturday afternoon, ginawa ang launch ng collaboration niya sa fashion designer na si Avel Bacudio, ang #AvelxAlden collection. One year in the making daw ito bago nila nai-launch sa tulong ng Zilingo.ph. At Sunday, August 25, ginawa na ang ang pagbebenta nila ng mga items sa Eastwood Mall, na sinuportahan ng fans na gabi pa ay pumila na.
Kaya naman ang reward sa kanila, sinamahan sila ni Alden sa pagpili ng items na bibilhin nila at may photo-op pa sa kanila. Bago sumapit ang dilim, nag-post na sina Alden ng “We are sold out! Amazing!” Tumanggap na rin sila ng orders na isi-ship na lamang ng Zilingo.ph, na COD (cash on delivery).
After ng Eastwood, tumuloy at nag-perform pa si Alden sa South Star Drug Pharmacists National Summit 2019 ng Unilab kung saan endorser nila si Alden.
Kaninang umaga, August 27, ang flight naman ni Alden papuntang South Korea para tanggapin ang isang award mula sa Korean International Drama Awards. May chance na siguro si Alden na makapasyal doon ngayon. Nang una kasi siyang makarating ng South Korea , en route siya noon para sa show niya sa Canada kaya hanggang airport lamang siya habang naghihintay ng flight to Canada. Safe trip, Pambansang Bae!
MIGUEL TANFELIX GINULAT SI BIANCA SA ‘SUNDAY PINASAYA’
NAGULAT at natuwa ang fans nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix nang mag-appear ang young actor sa “Sunday PinaSaya” last August 25. Matagal-tagal na rin kasing hindi nila napapanood si Miguel dahil humingi muna siya ng bakasyon sa management, since Sunday daw lamang siya puwedeng mag-rest mula sa taping ng epic-serye nilang “Sahaya” ni Bianca, at ng studies niya ng Entrepreneurship sa college.
Nalalapit na ang finale ng “Sahaya” at matitindi na ang mga eksenang mapapanood. This time, si Ahmad (Miguel) na ang kasama ni Sahaya na lumalaban sa mga gustong guluhin ang buhay nila, si Irene (Ana Roces) na ayaw pumayag makakuha ng mana si Sahaya mula sa ama at si Hubert (Eric Quizon), na laging binabantaang papatayin ang mga kasama ni Ahmad sa Tawi-Tawi. Napapanood ang “Sahaya” after “24 Oras.”
KRIS AQUINO CHILL LANG NANG TUMAOB ANG JET SKI NINA JOSHUA AT BIMBY
HINDI pa binubura ni Kris Aquino sa kanyang Instagram story iyong four-part series na sumakay sa Jet Ski ang magkapatid na Joshua at Bimby habang nasa Boracay sila noong isang araw. Nakita rin sa photos nang tumaob ang jet ski. “and that I was blessed, before they were 3 years old, both Kuya & Bimb could swim very well,” At ang last post ni Kris “lastly, close adult supervision & don’t panic. #safetyfirst Trust in God’s protection.” Ligtas ang magkapatid.
Comments are closed.