MAY nagpadala sa amin last Sunday evening, July 14, ng copy ng ticket ng SM City Bacoor na magso-showing ng “Hello, Love, Goodbye” sa block screening sa July 31, 12:30PM. May naka-print din sa ticket na R18. Nag-worry ang nag-post ng ticket kung paano raw naging R18 ang movie at sino lamang ang puwedeng manood? Sagot namin, R18 kung too sexy or very violent ang eksena na ipalalabas. Ang puwede lamang manood ay aged 18 above.
Pero sabi namin, wala pa kaming alam na may classification na ang MTRCB sa movie at sa palagay namin, baka hindi pa buo ang movie para mai-pa-classify ito dahil matagal-tagal pa ang showing nila sa July 31. Based sa trailer ng Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, wala namang dapat ikabahala ang fans na mabibigyan ito ng R18.
Buti na lamang, kinurek din ng nag-post ang ginawa niya, na iyon daw R18 ay seat number ng theater ng SM City Bacoor. Kalokah!!!
JOYCE CHING IKAKASAL NA
AMONG the Tween Academy Stars ng GMA Network na sina Barbie Forteza, Bea Binene, Joyce Ching, Jake Vargas, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio at Alden Richards, mauuna palang mag-asawa sa kanila ay si Joyce. Kahit pala busy na nagti-taping si Joyce ng GMA Afternoon Prime series niyang “Dragon Lady,” abala na rin siya sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal ng boyfriend niyang videographer, si Kevin Alimon, na nag-propose sa kanya ng kasal last February 25, 2019. Kelan ang kasal nila?
“Sa December 8 po,” sabi ni Joyce. “Dapat po ay December 7, pero iyong church na gusto namin, hindi available, sa December 8 lamang pwede, kaya sinunod na namin.
“Somewhere in Baguio City ang wedding namin. Mas gusto po namin doon dahil malamig, saka tahimik.”
Si Thea Tolentino raw ang magiging bridesmaid niya, pero invited daw niya ang mga kasama niya sa Tween Academy.
Hands-on sina Joyce at Kevin sa preparasyon, baka raw ang wedding coordinator sa actual wedding day na lamang.
“Medyo lang nakaka-stress, kasi kami lahat ang naghahanap ng suppliers, nag-aayos ng schedule ng mga tao, tapos imi-meet namin sila, but so far okay po naman. Naka-book na po kami, mahirap po kasi, kapag December, agawan.
“Sa mga ninong at ninang, nasabihan ko na po sila, hindi pa lamang namin nakakausap nang personal, si Direk Gina (Alajar), si Tito Joey (Abacan) at si Ms. Annette (Gozon-Valdes). Si Boss Vic (Del Rosario) ng GMAAC, pinipilit ko pa, bagets pa raw siya para mag-ninong,” natatawang dagdag ni Joyce.
Sa “Dragon Lady,” from beginning to end, ang sama-sama ng character ni Joyce bilang si Astrid, may remorse kaya siya, na puro pahirap ang gina-wa nila ng inang si Vera (Maricar de Mesa) kina Yna (Janine Gutierrez) at Almira (Diana Zubiri)?
“Wait na po lamang ninyo kung kayang patawarin nina Yna at Almira sina Vera at Astrid. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga sumubaybay sa aming fantasy-drama series. Sana po ay huwag kayong bibitiw hanggang sa Saturday, after ng “Eat Bulaga.”