ALDEN, LEA AT JK WAGI SA MAJOR AWARDS NG PMPC PERO ‘NO SHOW’

TAGUMPAY na nairaos ang 11th Star Awards For Music ng Philippine Movie Presschizmax Club (PMPC) na ginanap sa Skydome, Q­uezon City.

Nakapanghihinayang lang na ang ilang winners sa major awards ay hindi nakarating. Tulad ni Mario Mortel katie ni Erik Santos bilang Male Pop Artist of the Year.

Ayon sa aming nakausap na malapit sa actor-singer ay nagti-taping umano sa Bulacan para sa isang show.

Ang TnT Boys ay ‘di rin nakasipot at ang Song of the Year na ‘Buwan’ kung saan ang singer ay si JK Labajo ay hindi rin nakarating.

Sa hindi malamang kadahilanan ‘no show’ si JK sa awards night.

Maraming audience ang nanlumo dahil i­naasahan nilang personal na tatanggapin ni JK ang tropeo.

Ayon sa fans ng singer, “sayang naman akala ko personal ko siyang makikita rito sa music awards. Chance ko na sana makita ng personal at marinig na kinakanta ang ‘Buwan.’

“Sa ‘The Voice Kids’ pa lang ay siya na ang bet ko… sayang talaga.”

Si Morissette Amon ang winner bilang Female Concert of the Year, na ang akala ng lahat ay hindi makakarating, pero mabuti na lamang at naghintay pa sina Christian Bautista at Edgar Allan Guzman nang biglang sumulpot si Morisette mula sa back stage.

Sa kanyang acceptance speech,  “Salamat sa PMPC for this award. The first award that I received was from PMPC as the New Female Artist of the Year.”

Napaluha si Regine Velasquez na binigyan ng Pilita Corrales Life Achievement Award.

Ani ng Asia’s Songbird, “First time kong naka-receive ng Lifetime Achievement Award. Ibig sabihin ba nito matanda na ako? Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit. Iniaalay ko ito kay Mang Gerry. I love you, tatay.”

“Nami-miss ko siya pero may pumalit naman sa kanya dahil andiyan ang asawa ko (sabay tingin kay Ogie na escort niya nu’ng gabing ‘yun) na nag-te-train sa akin pag may concert ako,” dugtong ni Regine.

Ayon pa sa Asia’s Songbird ‘hanggang may nakikinig sa mga kanta ko, patuloy pa rin akong kakanta.”

Personal ding tinanggap ni Jose Mari Chan ang special award na Levi Celerio Lifetime Achievement Award.

Samantala, ‘to show’ rin sa awards night sina Lea Salonga bilang Concert of the Year, Alden Richards (Pop Album of the Year), ang Duo/Group Concert of the Year na Aegis, si Alex Gonzaga na winner sa kanyang Chambe song bilang Dance Recording of the Year at Novelty Song of the Year, Vice Ganda.

Ang winner sa People’s Choice Award thru text bilang Female Pop Artist of the Year na si Julie Anne San Jose ay wala rin.

Comments are closed.